<$BlogRSDUrl$>


Best viewed using Mozilla Firefox 1.5
1024 x 768 resolution

Shoutbox



Links
Maricris
Gail
Miguel
Kath
Json
Omar
Ginel
Jessica
RC
Paulo
Jamie
Faith
Leo
Jade
Gino
Jullie
Aldrin

Archives





Thursday, April 21, 2005

wla lng..

Grad ng kapatid ko ngaun.. at ako ang naatasang mag-video..
ganun din sa knila.. simple lng din.. sa skul lng din..
ang pagkakaiba nga lng ay kasabay nila sa pag-march ung parents nila at nauna ang bigayan ng medals sa bigayan ng diploma..
nakaka-inggit nga eh kc naka-toga cla.

Katulad ng ibang grad,
..ma-politika pa rin ang message ng mayor
..napakaraming nagsalitang na puros “dis is not the end but a new beginning” ang ending
..tinutulugan din ang npkahahabang speeches na puede nmang ishort-cut sa: ‘happy grad and gud luck sa college life’
..ciempre, ndi mawawala ung mga inspirational speeches daw na were really more on pagbubuhat ng sariling bangko
..nanjan ung mga atat na atat na parents na umakyat ng stage pra sabitan ung anak nila, pero cno nga bng ndi?
..ang valedictory address ay madrama rin pero malayo sa dineliver ni migs.. ung sa knya kc, prang narrative.. actuali, ndi q n nga maxadong naintindihan ung last part ng speech niya kc puro singhot at hikbi na ung maririnig
..ewan ko ba pero mas nauna pang ngumawa ung mga magulang sa anak
..ciempre, nung last song, nakakatawa, nakunan ko kc tlga ung mga graduates na pinipilit umiyak na para bang ndi kumpleto ang grad kung ndi tutulo ang luha
..nanjan pa rin ciempre ung yakapan n prang ndi na cla mgkikita 4ever


ako nun, ewan q, ndi nman aq naiyak nung grad, aside sa npkamkabag-damdaming ‘Ako’ ay Pilipino’, marami pang insekto sa ulo q.. atska, as if nman ndi tau magkikita2 d ff day..!

un lng nman.. ang ndi q lng tlga maipaliwanang eh nung bigla akong nalungkot nung pinapanood ko na ung mga kinunan q..

ndi ko rin inaasahang mapangiti habang nagkukuyugan cla sa stage pra magpakuha ng picture.. cguro, may naalala lng aq..

naicp q nga, mas nkakatawa p pla ako sa knila..

aun, pagkatpos kong batiin ung kapatid q, nagpaalam ciang ndi raw muna cia sasabay sa amin sa pag-uwi.. sa icp q, ‘aba, hihirit pa!’
aun nga.. hinatid n cia ng classm8 sa bahay at ayaw nia p tlgang hubarin ung uniform nia.. ndi n raw kc nia ulit masusuot un.

first year’s done guys..! isang taon na ang nakalipas mula nung natanggap ntin ung diplomang hanggang ngaun yata’y ndi q p rin napapagawaan ng lalagyanan..

prang ang bilis ng college.

Mabilis at nkkapagod.

Nkakapgod pero masaya.

Masaya na nakakalungkot.

Nakakalungkot kc ndi n tau 2lad ng dati. Aminin mo man o hindi.

May mga pagsasamahang lalong pinagtibay ng distansya.
Meron din nmang nung kabaliktaran.


Personally, maraming akong na-miss..
Nakakhiya man pero konte lng ang alam ko sa mga buhay2 nio ngaun..
ano n nga lng bng alam ko..?
Ndi ko na nga matandaan ung huling kwentuhan ntin.
Mabilis kc at madalian ang salitaan.
Pa’no, mttgalan n nman kc bago tau mgkita..
Bc n nman ang mga tao..
Kulang n nman tau sa time.

Ongapla, inamag n cguro c ma’am labay sa kakahintay sa pagdalaw ntin sa masci..
Ndi n rin yta natanggap ung sulat ntin pra kay mang danny sa wish ko lang.

# posted by MoshiesBato @ 11:45 PM


Wednesday, April 20, 2005

There But Never Came Back.....Again

Lilipas rin pala talaga. Hindi ko man lubos maisip kung paano ito nangyari pero ito na, nasa harapan ko na, hindi ko na matanggihan pa. Para siyang pagkain na inilapag na sa iyong mesa, masarap at mainit, at ikaw naman ay gutom at hindi pa kumakain ng kain ano. Totoo iyon.
Sa wakas, ako ay malaya na. Malaya na sa lindol na idinulot mo sa aking buhay, sa mga problema na tumubo dahil sa pag-alaala sa iyo, sa mga luha na idinulot ng pagaasam sa iyo at sa pagod na inihatid ng pagpupumilit na iyo. Oo, sinubukan ko pa dati na pulutin ang mga piraso ng nabasag nating pagkakaibigan. Tiniis ang mga sugat na natamo mula sa mga matatalim na bahagi at hinayaan tumulo ang dugo sa lupa. Oo, ginawa ko lahat ng iyon. Marahil kung maaari lang ay magpapabundol ako sa trak para lamang mabuo uli iyon eh. At kung mabuhay pa ako ay sa eroplano naman. Ganoon ko talaga ginusto mabuo uli iyon. Noon pa man, pinuprotektahan ko na iyon mula sa mga mapanutyang mga tao na pinipilit basagin iyon, pinuprotektahan ko ng aking buong lakas. Ngunit siguro ang mga magagandang mga kwento na nagtatapos ng masaya ay talagang para sa mga nobela lamang. Habang tumatagal ang pamumuhay ko rito ay mas naniniwala ako na talagang malabong mangyari ang mga ganoong bagay. Mas lumilinaw na sa akin na ang mundong ito ay isa palang malamig na lugar.
Parang gayon nga. Ang akala ko na tatagal ng mahabang panahon ay natapos lamang pagkatapos dumaan ang halos mga dalawampu't apat na paglabas ng kabilugan ng buwan. Mahaba pa rin siguro pero sadya pa ring napakaikli nun kung iisipin. Ang akala ko na hindi matitinag ng kahit ano pa man ay nawasak na lamang makatapos ang ilang pagpapasahan ng mga mensahe. Oo, inaamin ko na naging masakit talaga iyon. Noong iniwan mo ang lahat para lamang makasama sila. Masakit. Masakit talaga. Naging kanser na kumalat sa aking buong katawan. At hindi lang sa katawan, kung hindi, sa lahat ng bagay sa aking buhay. Marahil nga ay namatay na ako talaga eh, at ilang ulit pa pero salamat na lamang sa Kanya at hindi.
Napakarami ko talagang ginagawa noon pero sa aking palagay ay kayang-kaya ko naman talaga eh pero nung simulan mo pang dagdagan ay hindi ko na kinaya. Ako'y bumigay, bumagsak, nadapa at nalublob sa putik ng pangungulila. Iniisip pa kita noon sa bawat sandaling lumilipas - iniisip kung kailan ba babalik ang dati at kung kailan ba mawawala ang itim na ulap na bumabalot sa akin. Paglipas ng panahon ay nawala rin nga ang ulap pero tila ibang init ng araw na ang aking naramdaman.
Panibagong araw? Akala ko ay imposible mangyari pero ito na. Ang araw na nakikita ko ngayon ay iba sa araw na tinakpan ng mga ulap na iyon. Ibang-iba talaga. Mas maganda at mas nag-aalab. Marahil ay hindi na tulad ng dati pero sigurado ako na kapag hinayaan itong tumagal pa ay mas magiging makinang at matingkad pa sa dati. Maayos na uli ang buhay ko ngayon, iniayos ko na uli ito, lumagay na uli ako sa tahimik. Mamahalin ko na ang araw na ito ngayon dahil narito na rin naman eh. Para saan pa ang mabuhay sa kadiliman at kalungkutan kung mayroon naman parating liwanag na mapupuntahan. Tinamaan na rin ako ng mabuti sa ulo. Tama na itong gagawin kong ito. Hindi na ako mabubuhay sa nakaraan at hindi na rin ako magiging anino ng nakalipas na sapagkat iyon lamang ang dahilan ng mga problema. Mabubuhay ako sa kasalukuyan at babaguhin ko na ang aking pagkakamali, ang sobrang pagka-attach sa ibang tao. Tama na ang pilosopiya ko dati na hinding-hindi kailan man ilapit ang aking sarili eh pero hindi ko sinunod iyon. Ngayong talagang gagawin ko na ang lahat para maisakatuparan iyon. Ang lahat.
Oo, itatapon ko na ang nakaraan, kakalimutan at ibabasura gaya ng ginawa mo sa akin. Sabi nila ay mas maganda raw gawing alaala iyon pero para sa akin ay hindi. Kakalimutan ko na iyon. Kakalimutan na ng lubusan at tuluyan. Ito na ang huli, ang kahuli-hulihan. Ang mga magagandang alaala ay itinapon ko na at hindi ako nagpapasalamat doon, para saan pa? Kung magkikita man tayo uli sa hinaharap ay siguradong ako'y isang bagong tao na. Kaya ngayon.....Paalam na sa iyo. Sa wakas, paalam na.

Paalam NA
m.y.m.p

Bakit nang magpaalam ka
Sabi mo ay babalik
Hanggang gnayo'y wala
Sino nga ba ang bago mo
Mas malambing ba siya
Mahal pa ba ako

Hindi ko na pansin paglipas ng araw
Ang nasa isip ko na lamang
Laging ikaw

Paalam na
Nasaan man ngayon
May iba mang mahal
Pangako'y di nagtagal
Paalam na
Sana'y alam mo
Ang puso'y maghihintay
alang-alang sa'yo

Instrumental

Di ba ang sabi mo noon pang
habang-buhay na tayong dalawa
Dito sa pusong bihag mo
Wala nang papalit
Ikaw lang at ako

Hindi ko na pansin paglipas ng araw
Ang nasa isip ko na lamang
Laging ikaw

Paalam na
Nasaan man ngayon
May iba mang mahal
Pangako'y di nagtagal
Paalam na
Sana'y alam mo
Ang puso'y maghihintay
alang-alang sa'yo

Instrumental

Paalam na
Nasaan man ngayon
May iba mang mahal
Pangako'y di nagtagal
Paalam na
Sana'y alam mo
Ang puso'y maghihintay
alang-alang sa'yo

Coda:
Ang puso'y maghihintay

# posted by MoshiesBato @ 4:45 PM


Sunday, April 17, 2005

Image hosted by Photobucket.com

[left]: Hiro playing the guitar by the garden..
[right]: JC (json's little bro) with Mommy RC wahehe..

Image hosted by Photobucket.com

Mahjong day and night. Mga adik sa mahjong.

Image hosted by Photobucket.com

May mga problema ata? Okay lang yan.. hehe.. hoy! di ako naglalasing ah! scripted yan

Image hosted by Photobucket.com

[left]: the bar... so many choices.. hehe..
[right]: newly weds harhar..

Image hosted by Photobucket.com

[left]: Ang hapon ay sobrang natuwa sa videoke at inubos ang lahat ng love songs..
[right]: migs and me duet sa pagkanta ng "joy to the world" hahaha

Image hosted by Photobucket.com

Mga adik sa billiards...

Image hosted by Photobucket.com

[left]: jamie, aldrin, hiro, miguel, kath
[right]: jarry, milanny, json, jamie, benjo, gail (nakatalikod)

Image hosted by Photobucket.com

[left]: mm, migs and carlo playing bridge
[right]: watching "SAW"

Image hosted by Photobucket.com

[left]: sama sama na ang girls and boys sa isang kwarto.. isang pamilya ang turingan
[right]: ang may ari ng party house hehe

# posted by MoshiesBato @ 10:51 PM


Thursday, April 14, 2005

comments sa pics...

waaaaah!!! ang saya2 nmn ng pics nio!!! san kau kumain?!?! awwww.. namiss ko ang g-box...

jepax!!! waw! long hair! kakaiba ka ah! hahahah...
c miguel dn haba ng hair! todo smyl?! nkbraces k p rn ba??
jamz!!! hmmm... prang wlang ngbago sau... hehe
marlo... pumayat ka?!
lolo 3sh! astg k p rn!
emong!!! gs2 p rn ktng ihug!
jessica n may weirdong lablyp.. pumayat ka lalo! as in.. o dhil dn cguro sa hair? tsk.. pnppyat ka b ng labs mo? hehe...
hiro hapon!!! namiss ko rn 2ng lalakng 2!
aleli... todo smyl p rn!!! hehehe...
gnel! hehe... preho rn ni lelz!! :D onga pla... ung cnbi mo smin n jess pramis un ha!
babi momo... o wel.. cge n nga.. qt ka pa rn.. lakas k skin e! ;P
c daniel dn!!!
jeydee gurlash! ;)
s2.. d k yta nka-s... hehe... haba n rn ng hair mo.. rebond?! hehe.. wabyu! grlash k rn ha! may pink k p n bnd... :D
tita aesh... s ka na rn?!?! hehehe...
papay!!! miss n kta!!!! prang iba hair style mo...? nninibago ako e...
rc.. hmm.. prang la rn ngbago sau e... bench model!! hehe
pot.. hlos kcngtngkd m b c hiro? 2mngkad ka?? hehe... pis tau!!
jarry... d nmn kta msyado mkta ng maaus sa pics e.. :(
m!!! nkadangling earrings ka ba?!?! hmmm... hahaha...
pa j.. pmyat k rn ata... wel... ddtng dn ang araw... palpt na! heheh...
nalin!! ang liit mo nmn sa pic e... aus n b pc nio? hehe...

haaaay.. miss ko na tlga kau... teka.. may nakalimutan b ko? kng meron man sori po... mukang ala nmn e... eniwey... ka2wa nmng mkta ulit kau kht sa pics lng.. :D

Congrats ulit sa nio!!! God bless at yngatz lagi!!! gud lak pla sa mga magssmmer classes!!! :D

# posted by MoshiesBato @ 7:31 AM


Wednesday, April 13, 2005

Picture picture!

Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com

# posted by MoshiesBato @ 9:30 PM


Kolehiyo

una, guess who... hehe...

clue: hindi ako malapit sa inyo... cguro sa iilan lang sa inyo...

Matagal na rin akong hindi nakakapagpost dito. Naaliw ako sa nabasa ko sa baba kaya naisipan kong magsulat. Hmm... interesting ang razon ng pagiging mahirap ng kolehiyo para sa kaniya. Sa totoo lang, nahihirapan din ako pero hindi dahil sa namimiss ko ang Masci. Ito na siguro ang bentahe ng pagiging makakalimutin. Ay... hindi lang pala makakalimutin, pagiging praktikal din pala. Huwag sana kayong maoffend pero medyo masaya akong hindi ako close sa section natin. Mahirap nga naman kasi kapag namimiss mo ang mga tao. Madalas mo silang isipin at siyempre, gugustuhin mo rin silang makita palagi. Sa kaso ko, kakaunti lang naman sila. At iilan lang ang nasa section natin. Oo, namimiss ko rin naman ang mga kalokohan pero ayaw kong magstay dun. Napangingibabawan ng utak ko ang puso ko. Praktikal nga eh. Siguro kapag pinaalala niyo, doon ko lang maiisip ang mga masasaya at malulungkot na pangyayari sa buhay natin pero kung tanungin niyo ako ngayon, walang pumapasok sa utak ko. Except sa McDonald's clap.

Tila masaya di ba? Kung hindi mo nabati ang isang classmate sa kaniyang birthday, excusable naman kasi hindi kayo close. Kapag hindi ka inimbitahan sa birthday whatsoever, hindi ka masasaktan. Bakit, close ba kayo? Kapag inimbitahan ka naman... Syempre touched ka. Pero maiisip mo rin na nahihiya lang sa iyo ang taong yaon kasi loner ka na nga, left out ka pa. Pero ok lang din naman kasi kapag may gagawin ka pang iba, ipagpapaliban mo na lang. Bakit, ano naman kung wala ka doon? Sino nga namang hindi makakapagconcentrate sa pag-aaral sa ganoong lagay hindi ba? Sa totoo lang, alam kong hindi lang ako ang ganoon. Pero ewan ko. Ang dating ko na nito malamang ay napakaheartless. Pero kailangan eh. Eto ang kailangan para makasurvive ka sa kolehiyo, which is not actually the real world. There is still something out there.... Mas hell pa sa hell week.

Haay Lit... Sorry, napapaisip lang ako. Madami kasi akong natutunan sa kolehiyo through English and Lit. Kahit mahirap, parang mas gusto ko buhay kolehiyo kaysa buhay Masci. Una sa lahat, sabi nga kahapon sa akin ng kaibigan ko... Sa college, you are not competing with others but with yourself. Ayun ang pinakaayaw ko sa Masci eh. At least ngayon, nagpapakaGC ka para sa sarili mo. At hindi mo rin pwede ikumpara sarili mo sa ibang hindi mo kacourse dahil maaaring mas mahirap o mas madali yung kanila. (no offense) Pangalawa, you get to know many people but only have a few true friends. Hindi ka mahihiya kung hindi ka close sa kanila kasi carebear nila sa iyo at carebear mo sa kanila. Ako, hindi ako gaano close sa block ko. Iilan lang kami at iilan lang doon ang nakakasama ko. May kinaiinisan pa nga ako sa kanila eh. Hehehe... One thing I can never get rid of. Pero at least hindi mo sila makikita araw-araw at oras-oras na nasa paaralan ka.

Isa pang nagustuhan ko sa kolehiyo ay ang mga natutunan kong bago. Siguro maswerte lang ako sa mga nakuha kong guro. Can you believe na napaisip akong kumuha ng minor in Literature? (Kaso mahal per unit eh) Malamang hindi ko siya magagamit dahil pagkalayo-layo niya sa kurso ko. Ang sabi nga ng karamihan ay pag magaling ka sa English, hindi ka magaling sa... and vice-versa. Ironically, mas mataas ang grade ko sa Languages kaysa sa subjects ng major ko. Hahaha... Kulit noh? Ewan ko lang kung anong magiging grade ni Ms. Labay sa mga composition ko. Ewan ko ba pero parang ang bait ng teacher ko at naappreciate niya pagsusulat ko. Hindi talaga tulad sa Masci. Maka-Diyos English teacher ko pero hindi required ang words na God, truth, beauty at (kung gusto niyo ng extra points) justice sa mga composition. Sa Lit naman, hindi kailangan gumamit ng profundity scale. Sobrang mas marami akong natutunan dito kaysa sa Masci although I would not have survived without such rigorous training.

What am I saying? Siguro gusto ko lang palabasin na ayoko na balikan ang nakaraan. Wala akong namimiss o naaalala gaano. Ewan ko kung lubos akong masaya pero kontento na ako sa lagay na ito. At mamayang magkakaroon ng reunion, nagsabi na akong sasama ako. Sa totoo lang, para lang sa isang tao. Para hindi kami OP. Pero dahil kailangan ko pa magregister ng non-required subject, baka hindi na lang ako sumama. Sus... Kawalan ba yun?

# posted by MoshiesBato @ 12:39 AM


Tuesday, April 12, 2005

wala lng.. 3p ko lng. sana pagtiyagaan nio.

...::: MoShIeS BaTo :::...

nitong mga nakaraang araw, ako'y nakakaramdam ng matinding lungkot sa aking puso. madalas, natatagpuan ko ang aking sariling tulala at nasa kawalan. hindi ko alam kung bakit ako'y nagkakaganito kaya napagpasiyahan kong ibahagi nlng sa inyo ang aking drama.

nging mbigat tlga para sakin ang buhay kolehiyo. nde dhil impiyerno ang buhay kolehiyo ngunit talagang nangulila ako sa buhay mascian. una, dahil ang hirap mag-adjust sa bagong sibilisasyon at buhay. pangalawa, dahil sa mga subjects na halos patayin ka sa hirap. at huli, dahil kahit na may mga bago akong nakilalang mga kaibigan, iba pa rin kau. iba pa rin ung mga panahong nasa m21. iba pa rin ung mga corny na jokes. iba pa rin ung kapatirang nag-uugnay sa atin. iba parin ung mga pinagdaanan natin bilang isang pamilya. iba talaga.

in short, mis ko na kau. sobra. ang kabarberuhan ni jarry. ang mga mura ni rc tuwing sabayan. ang kasutilan ni julius. ang kaingayan ni omar. ang panglilibre ni json sa xerox. ang panggagatong ni banj. ang pang-aasar ni jeps kay gino ng wandering jew. ang mga absent at late ni danes. ang wlang kmatayang pgdadamoves ni marlo. ang pagkapanalo ni jamie sa footlong eating contest ntn. ang kacornihan ni migs. ang pgging makata ni aldrin. ang mga essays ni paulo. ang paniningil ni emong sa paluwagan. ang pgkanta ni gino. ang paglalagi ni michelle sa canteen. ang kabaklaan ni m. ang boom boom ni mami heart. ang pgkanta ni jes. ang pgging vain ni jade. ang love team ni jeps at 3cia. ang mabilis at mgandang sulat ni jullie. ang pggng disgrasyda ni aleli. ang pgging makeup artist ni janeth at aesha. ang malambot at mabait na c kath. ang pgbbabytalk ni gail. ang pangjojombag ni nalin. ang pgging batas at musikera ni aboy. at ang nde pagkain ni glai 2wing lunch.

hay. isang taon na cmula nung umalis tau sa masci. ang bilis ng panahon noh? hngang ngaun, gusto ko prin bumalik sa mga panahong iyon at tumigil nlang dun. pro nde pwd, ganun ang buhay db? ptuloy sa pgdaloy. ngunit sana sa pagdaloy ng buhay, hnd sana mwala sa agos ang ating pagkakaibgan at ang ating pnagsmahan...

mahal ko kau. mismo. moshies bato!

# posted by MoshiesBato @ 4:13 AM


Monday, April 11, 2005

For Bargain's Sake

Well, since everyone is tagging their hearts out this summer, I kinda feel like posting in our loyal blog. Grabe, ngayong summer sobrang naa-addict ako sa GUNBOUND, grabe, as in. Mukhang nabreak na ung oath ko dati na hinding-hindi maglalaro ng games like RO and stuff but here I am, stuck with a file in Gunbound. Well, it's really fun naman eh and ang cute ng mga characters, as in. Try niyo if you have the time.
By the way, you may be asking what the relation of this post on the title. Well, to tell you, lately, I'm forced to rent PCs outside since I do not have an Internet Connection at home. Well, it's really cheap naman eh. For a price of 20 - 25 Php/Hour, you get to enjoy a fast and reliable DSL connection. More often than not, you see some shops that offer far more value than that going down to as low as 15 Php/Hour - and that's exactly where I am right now. When I saw their sign, I know I've got to try it but I really wish I didn't. Badtrip!!! Walang aircon dito sa loob!! Tama ba naman yun? Summer pa naman ngayon and to think na each computer can belch out a temperature that can reach as high as 50 degrees. Saan kaya pupunta ang lahat ng init ng iyon? Kaya siguro 15 Php/Hour lang. Nagsisisi na ako, sana magtime na ako, grabe talaga. Tulong!!!!!!

# posted by MoshiesBato @ 3:06 PM


Saturday, April 09, 2005

re-sked

nagbago ang mga plano sa lakad ng moshies since nagkaroon ng conflict sa sked ng mga taga THE ARRRENEOOWW...hehe

since kuhaan nila ng course cards sa monday at reg ata ng tue, ang lakad natin ay na-move sa


WED 10:00 AM sa national bookstore...


medyo sa labas ng national tayo tumambay kasi mahirap maghanapan sa loob. maraming salamat.

ganoon pa rin, kain, nood sine, siguro karaoke, come what may. ok?

P.S.
binago ang iskedyul para mas marami ang makapunta. final na ito.

pakisabi naman sa iba ang mabuting balita.

maraming salamat.

nel and lelz

# posted by MoshiesBato @ 4:58 AM


Friday, April 08, 2005

summer gimik

who's up for a summer gimik?

what: nood sine
where: robinson's manila (para walang away...pero kung majority gusto sa ibang place naman, just tell us...)
who: moshies syempre at kung may gusto kayong isamang mga NFFs (newly found friends) para makilala naman namin sila!
when: lunes na. april 11

oi basta sa monday, sinumang free siguro from 11 to sawa..magkita-kita na lang siguro sa g-box. text text kung saan doon. hehe...

call or text moi or aleli to inform us if you're gonna come.

spread the word na rin dahil not everybody gets to check our blog. gaya ni glaiza. hahaha...ok?

ok.


-Nelgi

# posted by MoshiesBato @ 9:33 AM


summer gimik

hey! sinu-sino ang free sa monday (april 11), siguro mga 11 to sawa? sino? sino?

call or text aleli and moi, ok?

nood tayo sine. iniisip namin sa rob para walang away. pero kung marami naman ang gusto sa ibang place, just tell us.

oi kelangan ko na nang lumabas sa bahay!!!

basta nood tayo ha.


keep us posted if you're gonna come.


spread the word na rin. hindi naman kasi lahat ay nakakapag-online..nakakapagod namang magtawag. hehe...

- nel

# posted by MoshiesBato @ 9:21 AM


Sunday, April 03, 2005

babalik ako!!!!

pipz mron b sa inyong may gusto ng siling labuyo? wala lng just to spice up your summer life!!!!!!!! hehehe pupunta kc ako bicol. may work camp kmi dun.so mawawala ako from april 3-14. kktpos lng ng exam and then i have to leave... oh well... so wala ako sa haus. txt niyo n lng ako f ever there's something. and yes! mag lo load na ako!!!! hahaha!!! i'll miss you!!!!! kuha ako pics ko n bka mgustuhan nio = P

sOrRy po... d sadya

God bless this summer!!!!!!! May we never waste the time given us! Have fun!

to give others their due is very good... but to give others what is yours will be no less than the previous

# posted by MoshiesBato @ 2:14 AM


babalik ako!!!!

moshies, waaahhHHHOOOoooo!!!!!!!!! tapos na exams... yehey!!!! kaso aalis nmn ako mmya na 4 pm. Pupunta ako sa Naga, Bicol and i'll be there anggang april 13.Work Camp ito. Sa mga makaka miss sa akin (sana mron) wala ako sa bahay so xt txt n lng. mag lo load n ako promise!!!!!!! sino nga pla husto ng siling labuyo??? gusto kc ni papa so "dumilihensya daw ako" malay niyo it can help spice up the summer heat... HAHAHA so aun lng... ma mi miss ko kc kayo!!!!! = )

SoRrY dI sAdYa...

God bless this summer!!!!! May we all not waste time

to give others their due would be good... but to give others what is yours would never be less good than the previous... = )

- banj
ill miss ya!!!

# posted by MoshiesBato @ 2:14 AM


Saturday, April 02, 2005

Celebrate!

random tots...

...congrats!!! tapos (or patapos pra sa mgffnals pa) na ang iniong unang taon sa kolehiyo!!! waw.. u made it! hmm.. ako nmn... may mga 2 buwan pa... hehe...

...nakakainis ung feeling na bitin ung bakasyon mo.. rar! kulang ang 1 week... nakakatamad png pumasok sa skul at mag-aral.. buti kng walang tests... gus2 kong bumalik sa florida!!! at least dun walang iicpn na lessons, quizzes, at tests.. puro minnie at mickey lang! hahaha... ai kaso malungkot dn.. wala plang breton dun...

...tnatamad tlga ako! daming nktmbak sa kama ko! konti p lng ngagalaw ko... gs2 ko n lng m2log magdamag!!! tpos may 3 tests pang ngaabang ds week... rar... Tatay 2lungan Mo po ako... waaaaaahhh...

...saktong 2 linggo na ang nakakaraan... bkt 1 beses p lng kta nkksama?! haaay.. buhay nga nmn...

...un lng... labshu ol.. mis ko na kau... celebr8 tau! 2maba raw ako! weeeeeeee!!! hahaha... tau'y magdiwang pra sa lahat ng mga pangyayari sa atng buhay! ;) nyahahaha...

2tna...

# posted by MoshiesBato @ 10:07 AM


Copyright 2003 | www.moshies.tk | Moshies Official Blogsite | Fourth Edition October 2006 |