Ilang gabi na akong lito 'Di ko maisip kung bakit nagkalayo Mahal kita ngunit mahal mo siya Ang hinihiling ko lamang mahalin ka niya
CHORUS 'Di na ko aasa pang muli Kung ikaw ay babalik, saka na lamang ngingiti Tandaan mong mahal kang talaga Tanging ikaw lamang ang nasa aking alaala
INTERLUDE
Naglalakad, hawak-kamay Tila bang ligaya n'yo'y walang katapusan Ang nakaraan nating dalawa 'Di ko na makita sa 'yong mga mata
[Repeat CHORUS]
hehe.. wla lng.. di na ko aasa pang mkkuha ng mataas na grades...it just comes...the Lord will give them to me di na ako aasa pa... i'll just let things go on their own course... wla lng..random thoughts.. sori sa pagsasyang mo ng oras ng pagbasa nito.. -jackal
The Manila Science High School International Section
Recently, may mga balitang kumakalat tungkol sa isang international section sa masci. Supposedly, sila rin raw ay mga batch owpor rin and twenty three lang daw cla as a whole. Ayon sa aking pagkakarinig(at pagkakaintindi), parang special section raw cla, mga exchange student raw na parang sila rachel bonifacio at randolf francia. Then, sa may bordner building daw sila naghohold ng classes. Ngayon, napakamisteryoso talaga nito kasi for one, dito ko lang sa UP narinig ito, mula sa isang kakilala na sinabi sa akin na may kakilala rin siya mula sa ating school(or what's left of it). Iyong kakilala niya ay nagcclaim na valedictorian raw siya o first honorable mention(hindi sure yung kakilala ko). And hindi miguel karlo de jesus or jade garcia ang name nung friend nung kakilala ko ha. I would dismiss this rumor if it didn't cohere with Timothy Santos' story before, but it did. Well, para sa may alam pa ng details, kwento niyo naman. Nakekeps ako sa mga pseudo-mascians na ito eh Misteryoso talaga
Kapag dumarating ang valentines day ay natutuwa ako. Pano ba naman laging sabay ang teacher’s day sa araw na ito. Kaya sa ibang subject ay walang klase. Tapos kapag lumabas ka pa ng eskwela ay makikita mo ang sandamakmak na mga tinderong nagbebenta ng kung anu-ano -merong chocolates, balloons at syempre di mawawala ang mga rosas. Ang araw na ito ay parang holiday sa eskwelahan. Mayroong ginaganap na programa. Kakanta ang ilang mga estudyante, sasayaw ang ilang mga guro, at magtatalumpati ang mga opisyal ng paaralan. Sa loob ng anim na taon sa elementarya ay walang ibinigay sa akin ang araw ng mga puso kundi “entertainment.”
Valentine’s day na..
Nagbago ang pananaw ko sa valentines day noong tumuntong ako ng sekundarya. Saan ka man tumingin sa paligid ng paaralan ay siguradong mayroong magkahawak-kamay. Ang iba pa nga ay naglalampungan. Halos sa buong araw ay nakatambay lang sa tabi at nagkulitan. Hay. Buhay nga naman. Habang ang iba ay naglalampuchingan, ang iba naman ay nasa silid at nag-aaral. Nag-aaral ng ano? Syempre dahil araw ng mga puso, walang atikabong chikahan sa loob ng silid tungkol sa mga storya ng totoong pag-ibig. Romeo at Juliet sa English at Florante at Laura naman sa Filipino. Pati nga sa Biology eh, reproduction ang topic. At syempre hindi mawawala ang mga tindero ng mga chocolates, balloons at rosas sa labas ng paaralan. Patok din ang mga cards ni Hallmark tuwing sasapit ang araw ng mga puso.
Valentine’s day na..
Ikalawang taon ko na sa sekundarya. Ganun pa rin naman ang buhay Valentine’s day. Ang pinagkaiba lang ay ang mga topic na tinalakay sa klase. Mas matitinding love stories. Idagdag mo pa ang dumaraming mga magsing-irog sa loob ng paaralan. Nagparty ang aking tropa. E pano ba naman lahat kami ay walang mga ka-date. Feeling namin di kaya ng boys ang powers namin. Hindi sila makalapit. Insecure siguro. Ang feeling ba? Pagdating ko sa bahay ay nakakuha ako ng text. Galing ito sa iyo. Gusto mong lumabas. E eto naman ako at walang ginagawa kaya go! Nanood tayo ng sine. Kumain sa labas. Bago mo ako ihatid pauwi ay dumaan tayo sa simbahan. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagtapat kang may nararamdaman kang kakaiba. Akala ko nung una ay nahihilo ka lang o baka naman naiihi. Ngunit sinabi mo na mahal mo ako. O yes! Nakaloko rin ako ng isang lalaki! O no! kawawa naman tong friend kong ito.Hay buhay nga naman. Alam mong may iba akong mahal pero nanatili ka pa ring laging andyan para sa akin. Dumating ang mga masasaya at malulungkot na mga araw ko. Hindi ka nawala sa tabi ko. Lagi mo nga akong inaasikaso e. Pero hindi ko talagang magawang iakyat pa sa susunod na level ang ating pagkakaibigan.
Valentine’s day na..
Ganito rin ang eksena noong ikatlong taon ng sekundarya. Madaming lovers ang naglilibot sa paaralan. E pano naman ang mga walang sabit? Ayun. Nag-aaral sa library. e ako? Ang tropa namin ay nag-celebrate ng aming pagiging single. Aba. NBSB ata kami. No Boyfriend Since Birth. Isang malaking wala ang valentines day. Kumain kami at nagsaya na lang. Nagtext ka ulit. Gusto mong magkita tayo. Go nanaman ang lola mo dahil wala naman akong gagawing iba. Doon nga tayo nagkita sa simbahan kung saan ka nagtapat e. Nagdasal tayo. Bago umuwi ay sinabi mo na mangingibang-bansa na kayo ng pamilya mo. Nalungkot ako. Valentine’s day at pinaiyak mo ako. Lumipas ang dalawang buwan at natuloy ang pagpunta mo sa USA. Kasabay mo pa nga ung lolo ko sa eroplano diba? Sa loob ng ilang buwan ay tumatawag ka pa rin. Isang taon pa at nagtapos na ako ng sekundarya. Alam ko. Nakalimot ka na.
Valentine’s day na..
Nag-aantay ako ng e-mail na galing sa iyo. Alam mo naman ang e-mail address ko e. Siguro talagang pinili mong ‘wag nang sumulat. Oo nga pala. Ako nga pala ang nagsabing ‘wag mo na akong intindihin. Hay. Kung bakit kasi hindi ko kinuha ang e-mail mo e. Kahit sa friendster nga hindi kita mahagilap. Naisip ko lang. Valentine’s day nanaman. Sa laki ng UP ay wala pa rin akong nahahanap na “special someone” na makakasama ko ngayong araw na ito. Sana pala andito ka na lang. Masaya namang manood ng sine at kumain sa labas kasama mo e. Malay mo mahulog din ako sa iyo. Hay. Nanaginip pala ako kagabi. Bakit kaya bigla ka nanamang sumulpot sa buhay ko. Ayos lang pala. Kasi kahit sa panaginip, at least nandun ka. Pero nalungkot ako e. Alam mo kung bakit?
Nakita kita sa malayo Di ka pa rin nagbabago Ang iyong magandang ngiti Sa pagod ko'y nakapapawi Lalapit na sana ako Nang may yumakap sa iyo Siya na ba? Siya na ba ang bago mo? Maganda siya... Bagay kayo... Unti-unting nalaglag Mga butil ng kristal na nakabubulag Kailan matutuyo ang mga luha? Kailan matatanggap na wala ka na?
Nagising akong iniisip ka. Kung nasaan ka man, sana ay masaya ka na. Sana sa susunod na valentine’s day ako rin masaya na.
May kaibigan ako. Medyo matgal na rin kaming magkakilala. Kung di ako nagkakamali, sa isang party un. Pinakilala kami sa isa’t isa. Dedma lang ako. Ewan ko ba sa sarili ko. Nde naman kasi talaga ako ganun ka-friendly sa umpisa e.
Aun. Pareho pala kami ng papasukan. Nung mga unang buwan ng pers sem, nde kami madalas magkita dun. Nde naman kasi kami nag-uusap. Nde kami close. Once lang ata kami nun nakapag-usap, sa telepono pa. Wag mo na lang itanong kung bakit. Basta sa telepono. Nde ko pa nga siya nakilala nun. Nalaman ko lang na siya un nung sinabi nya sakin na siya un nung una naming pagkikita sa skul (gets mo ba? o malabo? pasensya na). Nakakatuwa nga e. Tapos na ang midterms ng mga panahong un at dun lang kami nagkita, rather, nagkakilala talaga.
Simula nung mga oras na un, napapadalas na ang aming pagkikita. Medyo nag-uusap na rin. Ayan, e d ok na. May nff na kong naidagdag sa buhay ko. Nung palapit na matapos ang sem, tsaka lang talaga kami nagkakasama. Fresh pa nga sa memory ko ung mga araw na un e. Ang pagkukulitan, ang pang-aasar, ang korning palabas sa tv, ang nilalaro naming nde ko lam title para pampalipas oras, ang mga jokes ala Miguel, at iba pa. Natuwa tuloy ako.
At ngayon nga, eto na. Mas nagiging close na kami. Masaya. Oo. Masaya. Lagi na kaming nagkakausap. May nakalaan na ngang oras na magkasama kami sa mga designated na araw. Dahil dun, mas nakilala ko siya. Kakaiba sya. Kahit na medyo may bisyo, keri naman. Ayan tuloy, baka nahuhulog na ko sa kanya.
Ok lang naman e. D b? Sino ba naman ang nagsabing bawal. Kaso ayaw ko e. Ayaw ko ng ganito. Bakit tanong mo? Kasi wala rin namang mangyayari e.
Hay. Malamang ang gulo2 na ng mga pinagttyp ko dito. Kung naiintindihan mo, maraming salamat. Kung nde, maraming salamat pa rin sa pagbabasa. Gusto ko lang talagang ishare ang tumatakbo sa isip ko. Sasabog na ko e.
Talk about frustration. I've always been a sucker for the oldies music. Yeah, the oldies, like Don Mclean, the Beatles, Peter Paul and Mary etc. Their music really makes me feel good.
Well, as some of you may not know, the band America is having a concert in Taguig and I really wanna go. I really want to go but there's this tinsy-bit of problem, I have no money to buy the tickets (which surely would be expensive since their expected target market is the working class)
Being poor sucks.....Ha ha ha ha
Hahaha... Anyway, may topak ako ngaun. Tagal ko na nde nagpost. Medyo nagliliwaliw utak ko dahil well, basta... Pinapatay kami ni Doc Mara...
Anyway, ano na bang nangyayari dito? Ang hahaba ng post! Wala naman akong reklamo. Tamad lang ako magbasa. Pakigawan naman ng summary tapos dagdagan nyo na rin ng reaction. Pasa sa Monday, dapat maganda at creative ang title, 1 page, must include the words "God", "truth", "beauty" and "justice". Hahaha... Pasensya na... Medyo bangag bangag lang. Kailangan ko nanaman magsulat ng paper for English kaya nagffree-writing ako. Whee!
Hmm... Ano bang issue ngayon? Ewan ko ba... Yo soy indiferente. (Taking up Spanish. Masaya naman although gusto ko sana talaga Japanese kaso mukhang mas complicated) A few of my random thoughts... I miss Kendwin... Hahahaha... Ano pa ba... I miss Paulo Mutuc... wahaha... pero I dunno... I do not really miss the past. I like the memories though... May maisusulat ako sa English ;) Anyway, ano pa ba... hahaha... Happy Birthday nga pala kay Jessica sa 11 (nga ba?) hehehe... at sa iba pang magbibirthday kung meron man. cge yun lang... whee!
~Jade (kahit na cguro d ko lagay name ko dto obvious naman)