<$BlogRSDUrl$>


Best viewed using Mozilla Firefox 1.5
1024 x 768 resolution

Shoutbox



Links
Maricris
Gail
Miguel
Kath
Json
Omar
Ginel
Jessica
RC
Paulo
Jamie
Faith
Leo
Jade
Gino
Jullie
Aldrin

Archives





Saturday, December 31, 2005

update

Ang masasabi ko lang tungkol sa bagong template ng ating blog: ASTIG. Bagay naman pala ang kulay berde at puti, at hindi siya gaanong masakit sa mata. Ok lang naman tingnan ang ating blog gamit ang Mozilla (maganda rin naman ang kinalabasan, pero susubukan ko ring tingnan sa Internet Explorer). Magaling ang pagkakagawa, mahusay.

Sa mga nagdaang araw, nakakatuwa na may mga nagkukuwento na ulit sa ating blog, at ang masaya niyan, tila balik ulit sa dati, at kung hindi balik sa dati, alam naman natin kung sino iyong nagsusulat dahil sa ilang mga senyales. Tulad na lamang kapag medyo galit na galit iyong pagkakasulat at pamilyar sa atin ang galit na iyon (magandang hapon, Jade), o kaya may isang generic na linya na ginagamit sa katapusan ng post (magandang hapon sa akin).

Masaya at may nagkukuwento na ulit dito sa ating blog. Pakiusap lang sa iba pang nagkukuwento: magpakilala naman kayo, lalo na kung medyo nagdadrama na kayo riyan dahil sa kung anong problema na hindi namin alam. Kasi, kung madrama na iyong isinusulat ninyo, tapos hindi pa kayo magpapakilala, eh papaano mawawala iyang kadramahan ng buhay ninyo? Ang dating kasi, parang ayaw ninyo ng tulong; parang gusto niyo lang na isigaw iyong problema ninyo at manatili na lamang na nagmumukmok sa isang tabi at ayaw makipag-usap o mahawakan man lamang. Kaya nga siguro mayroon tayong blog dahil nais nating malaman ang mga nangyayari sa bawat isa sa atin (maganda man o hindi), at nang sa ganoon, matulungan natin ang isa't isa.

Sa tuwing may nagsusulat ng kung anong kadramahan na hindi man lamang nagpapakilala, tila ayaw magpatulong ng taong iyon dahil una sa lahat, ayaw niyang magpakilala. Eh papaano tayo uusad niyan? Dahil isigaw mo man ang problema mo, anong magagawa namin kung hindi naman namin alam na ikaw pala iyon? Gusto mong magbahagi ng problema (at maraming salamat at sa amin mo ibinabahagi ang iyong suliranin) pero ayaw mong magpatulong; papaano tayo uusad niyan?

Kaya nga siguro iba tayo sa iba; lagi tayong handang sumaklolo, lalo na kung talagang kailangan. Kaya ginawa siguro ang blog na ito upang matulungan natin ang isa't isa (kahit moral support lamang, ok na). Sa hindi pagpapakilala naipapakita ang kaayawang magpatulong; basta maisulat lang ang hinaing, puwede na. At wala namang masama sa ganitong gawain dahil sa ganitong paraan hindi napapalaki ang problema. Iyon nga lang, kapag naisulat na sa blog na ito, kasangkot na lahat ng dumadalaw (at hindi), dahil hindi iisang tao lamang ang may-ari nito; ang pamilyang Moseley ang may-ari nito.

Pakitandaan: sa pagsusulat ng kahit ano (problema man iyan o magandang balita), damay lahat ang kabahagi ng pamilyang ito. Isang malaking sampal sa mukha (at suntok sa sikmura) ang hindi pagpapakilala.

Maaaring sabihin na hindi na tayo katulad ng dati; iba-iba na ang ating mundo, baka nga hindi na tayo iisang pamilya. Totoo iyon; maraming pagbabago na ang dumating sa atin. Ngunit marami man ang pagbabago, hindi naman siguro magbabago ang pagkakabuklod bilang isang pamilya. Kasi, kung iisipin, kahit sa sarili nating mga pamilya makikita rin ang maraming pagbabago. Ngunit sa gitna ng mga iyon, pamilya pa rin.

Wala akong pinatatamaan kahit na sino (sa totoo lang, ako ang tinatamaan sa mga isinusulat ko, hahaha!!!). Nais ko lang ipaalala sa mga nakalimot na, na iisang pamilya pa rin naman tayo, magbago man ang takbo ng mga mundo natin (dahil wala naman tayong magagawa tungkol sa bagay na iyan). Huwag nating sayangin.

Maligayang Bagong Taon sa inyong lahat.

a cup of cold water mixed with a drop of cold blood

P.S. Si Gino ito, sa mga hindi pa nasasanay sa generic na linyang nasa itaas. Apat na sa wishlist ko iyong nakuha ko: Catcher in the Rye, Mere Christianity, Les Miserables (unabridged), at Chronicles of Narnia (hindi pa bayad, Php1150 ang presyo, hahaha!!!). Salamat din nga pala sa pag-link ng walang kuwentang blog ko, hehehe!!!

# posted by MoshiesBato @ 1:32 PM


new template!

weeeeee!!!! new year na, new template! bagong color :P (bias ba?) eeeee natry ko na blue dati tapos maroon... green naman :P anyways, HAPPY NEW YEAR to all! Ingat sa paputok! Nga pala, wahhhh pangit ang dating ng new layout sa mozilla... hindi nya kasi sinusupport yung mga ibang scripts sa cascading style sheet and javascript e medyo inapply ko na d2 ung mga natutunan kong mga scripts sa course ko :D hehehe magIE na lng kayo kapag iviview niyo ung blog naten cgeee naaaa!!! o kaya... pakiedit na lang ung coding :)

# posted by MoshiesBato @ 12:37 AM


Tuesday, December 27, 2005

[insert foulest cusswords here]

sorry to ruin your holiday mood... plug ko lang bagong number ko... 09157838735 ok? bad trip! nablock ung sim ko... pinakialaman ng katulong... d ko pa mahanap ung puk! PUK!sinungaling pa... grabe, sinira niya trust ko... i mean... ako na nga lng nde nang-aaway sa kanya eh... bullshit... bitch... sorry, di ko talaga mapigilan.. i am so pissed off... as in GRRRRRRRRRRR........ saktong dec 25 pa (although d naman kami nagccelebrate)

sino ako? ako ang pinakamasamang magalit... RARR!!!!!!!!!!!!!!!












(sa mga dense o wla tlagang kaideidea... si Jade toh... wala ka ba nung mga times na nagwawala ako kaya't di mo ako kilala? bakit nde mo mahulaan kung sino ako? grabe, sobrang obvious naman eh... hahaha)

# posted by MoshiesBato @ 12:40 AM


Friday, December 23, 2005

matagal na rin akong hindi nakakapag-post dito sa blog natin.
ewan ko ba, myembro pa ba ako ng so-called family natin? hindi ko alam kung may karapatan akong sabihin to pero wala talaga akong nararamdaman.

merry christmas na lang sa inyo mga moshies.

# posted by MoshiesBato @ 11:39 PM


nothing special

hello everyone!

it's been ages, i know. i haven't been the most thoughtful, i admit. nevertheless, allow me to wish everyone a very merry christmas and a prosperous new year. while we rarely see each other [at least i rarely see you guys] these days, i know someday we will be able to make up for lost time, so to speak, and catch up on each other's colorful lives.

to those who have been wondering how i've been [i hope there are], the grades are down [i've come to terms with them, thankfully] and popular opinion says i've lost weight.

gino! i must say, quite an expensive wishlist you got there. i'm glad you've got some items already. as for me, i've happily settled nearly all of my material wants for this season. complements, of course, are very much welcome.

how about you guys? care to post some, ahem, tidbits? i'm sure we all would love to hear some juicy stories here and there.


cheers,
paulo
zoolanding@yahoo.com

# posted by MoshiesBato @ 1:05 PM


Nang nangarir ako sa walmart. Bow.



L to R: Luis, Mr. Martinez, Raul, Mike, Julai, Gilbert, Shalem, Jesus, Adriana, Avelina, and Claudia

ayan. nagmukha na naman akong nursery. kita nio ba ako? haha! That was taken at Walmart, when we had our blood pressure screening ekek. Nasa likod namin mga clothes! hehe! Then convince namin ung mga customers na magpatake ng bp. free naman e. aun, cguro mga 12 me na clients. yebah! B4 yan ng clinicals. ngaun lang sakin nisend ng clasm8 ko e.

Nga pala, sa mga nde pa nakakaalam na moshies, i was confined @ d hospital. appendicitis. i had a surgery last month. eion, ok naman na me ngaun. doing great. though sometimes masakit p rn ung wounds :c

Moshies, miss ko na tlga kau. wish u were here ds Christmas (or wish i wr there?)
hehe. dunno kng kelan me bakasyon. ipon muna! ;D

Cge.

Merry Christmas and Happy New Year sa lahat! Be safe huh! Yngatz! Mishu Labshu! :D



w8! naalala ko pla. l8r magccaroling kami. cfc. namiss ko ang carol fest. lss 2loy ako sa medlys natn! hehe! Maligayang Pasko moshies!!!

[wala na ba kundi panandaliang saya? wala na ba kundi ako, ikaw, at siya? nalilimutan ntn ang btd ng pasko, isang nagmamahal na Diyos ang isinilang sa mundo. ding dong ding dong ding dong ding badum badum]

[wat a bryt tym it's d ryt tym 2 rock d nyt away. jingle bell tym s a swell tym 2 go gliding n a 1-horse sleigh. giddy-up jingle horse pick up ur feet jingle around d clock. mix and a-mingle n d jiggling feet. dat's d jingle bell. dat's d jingle bell. dat's d jingle bell rock!]


-=julai=-

# posted by MoshiesBato @ 6:53 AM


Wednesday, December 21, 2005

i know this would not make any sense...

i know this would not make any sense (considering na napakadalang na nating magkita-kita), pero para may maikuwento lang

ito ang aking wishlist:

1. Chronicles of Narnia by CS Lewis (all 7 books, may nabibili yatang compiled version, kasinglaki ng TC 7 na book, mga 2000 pesos)
2. Les Miserables by Victor Hugo (unabridged, nabasa ko na kasi iyong abridged)
3. Elephant Vanishes by Haruki Murakami (780 pesos sa Aeon Katipunan)
4. Flash Disk (kahit 128 MB lang)
5. Mere Christianity by CS Lewis (Mayroon nito siguro sa Powerbooks at sa Aeon)
6. Catcher in the rye by JD Sallinger (sa maniwala ka at sa hindi, hindi ko pa ito nababasa)
7. Isang taong magtuturo sa akin ng Calculus (Ma19 or Ma20)
8. Isang taong magtuturo sa akin tumugtog ng piano (tapos tugtugin natin ang THE SCIENTIST)
9. The remains of the day by Kazuo Ishiguro (300 to 400 plus lang yata ito)
10. Isang VCD ng MY SASSY (iyong korean/japanese/mandarin na may english subtitles)

iyong number 2, mayroon na ako (regalo sa akin ng aking "sassy girl," iyong number 3, mayroon na rin (regalo noong nakabunot sa akin sa Kris-kringle)
dalawa lang ang hinihingi ko mula sa sampu, at nakuha ko na ang dalawa
pero kung may magbibigay sa akin ng kahit isa pa sa mga nakalista, ok lang, i'll gladly appreciate it

para kina Omar, Jamie, at Json
Maligayang bati sa Filipino
Happy birthday sa Ingles
Feliz Cumpleanos sa Kastila

iyon lang, salamat
para sa recent poster, huwag ka na malungkot, lahat naman tayo salu-salo sa kalungkutan eh...

a cup of cold water mixed with a drop of cold blood

# posted by MoshiesBato @ 2:16 PM


Monday, December 19, 2005

klsp

miss ko na kayo.. nde na kau nagkwekwento ah!
lam kong bc kau pero bakasyon na nman ah!
nagtatampo na tuloy ako!

magparamdam naman kau!
cge na.. kahit Christmas gift nio na sa akin.

basta, pag may time kau, nandito lang ako..
pacnxa na, nalulungkot lang ako..
-blog

# posted by MoshiesBato @ 8:36 PM


Copyright 2003 | www.moshies.tk | Moshies Official Blogsite | Fourth Edition October 2006 |