<$BlogRSDUrl$>


Best viewed using Mozilla Firefox 1.5
1024 x 768 resolution

Shoutbox



Links
Maricris
Gail
Miguel
Kath
Json
Omar
Ginel
Jessica
RC
Paulo
Jamie
Faith
Leo
Jade
Gino
Jullie
Aldrin

Archives





Tuesday, July 25, 2006

MRT Cubao

Umuugong, umuuga
Hawak ko ang iyong kamay
Hawak mo rin ang kamay ko
Mainit, mahigpit
Nakatingin ako sa malayo
Pinagmamasdan ang mga tanawin
Na mabilis na dumaraan
Tumingin ako sa iyo
Ngunit di mo napansin
Tinitigan kita, inusisa
Tiningnan ang iyong
Napakagandang mukha
Na nakatingin din sa malayo
May boses na narinig
Hudyat ng pagtigil
Inalalayan kitang bumababa
Hawak hawak pa rin ang kamay mo
Ngayon ay nagkatitigan na tayo
Lumalabo ang aking paningin
Napupuno na ng luha
Sinubukang pigilin ng panyo
Ang iyong tumutulong luha
Ngunit walang silbi
Pagkat basa na ang iyong pisngi
Tinitingnan kita, hawak hawak
Napakahigpit, ayaw kong bitiwan
Ayaw kitang, ako'y iwan
Sabi mo tama na, huli na
Ang lahat nang iyan
Bumaba, naglakad-lakad
Hawak ko pa rin ang kamay mo
Hawak mo rin ako
Puso'y tumitibok
Mabilis, walang hagot
Oras na sabi mo
Na bitiwan kita
Mga kamay mo na ay nagsimula
Na pumilit kumawala
Paalam sabi mo, hindi na tayo magkikita
Binitiwan ko na ang kamay mo
Bumitiw ka rin dali dali
Puso pa rin ay tumitibok
Walang tigil, walang pagod
Ika'y sumakay na sa bus na papaalis
Pinagmamasdan pa rin kita
Ang iyong napakagandang buhok
Tumingin ka sa akin
Ang sabi mo paalam
Aalis ka na, iiwan ako nagiisa
Para sa kanya, oo, para sa kanya
Ito na ang huli
Nakatingin pa rin ako sa iyo
At ikaw sa akin
Umandar na, gumulong
Ang sinasakyan mo
At sa gayo'y ikaw rin
Ay tumalikod na at tumingin sa malayo
Nandito pa rin ako
Nakatayo, nakatayo sa kabila ng lahat
Tigil ang mundo, nakatingin lamang
Sa malayo....
Sa bakas na iniwan ng sinasakyan mo
Pilit na inaaninag ka sa malayo
Nakatingin lang, nakatitig
Tigil ang mundo, nagaabang
Basa na rin ang pisngi ko
Di ko na napigil ang luha
Tumutulo, tumutulo
Hawak ko ang panyo
Na may luha mo
Isang munting alaala, ng iyong paglisan
Patungo sa kanya, papalayo sa akin
Papalayo sa akin.............

~envynitar

# posted by MoshiesBato @ 8:19 AM


Saturday, July 22, 2006

When You Care for Someone

When you care for someone
You'll do everything for her
Jump on a cliff you may
Or kill a man they say
Even wrestle a lion
Or do battle with a kraken
Or in simple humanly terms
Just do whatever things
Like giving unique things
Even if you starve trying to buy it
Or go some tremendous lengths
Just to see her for a bit
You'll do those things for her
Without word nor nay
Stupid you are they may say
And yet youll still do it
For everytime she says
A simple thanks to you
Your world will spin
Just a little bit slower
To savour that moment
And when she smiles
That's when you'll feel
That your on top of the world
But when destiny decides to play
And starts to give her away
To someone she says she loves
And leaving you to dust
Your world will crumple
To bits and pieces for sure
To dust if you even say
You'll start to curse everything
Everything everything
And in the end
You'll still end up sore
Penniless, sad and defeated
Wishing and longing
For that same fate
To change whathad happened
And return everything
To the way it used to be......
Or else Wish for that sweet escape.........


Yes, that sweet escape

~envynitar

# posted by MoshiesBato @ 1:27 AM


Thursday, July 13, 2006

Moshies mga bato! Dudurugin namin pangarap niyo!

# posted by MoshiesBato @ 9:05 AM


Sunday, July 02, 2006

Ilang sentimetro na lang. Ang malumanay na paggalaw ng mga pulang-pulang bulak ang mas lalo pang naguudyok sa aking lumapit.

Ang tanging naghihiwalay sa bato at diwata ay ang manipis na hanging nagdadamot at nangunguryente dahil lamang sa inggit. Buong tapang kong tinitigan ang langit na sa wari ko'y hindi ako napapansin sa kabila ng ilang sentimetro lamang na distansya ko mula sa malalambot nitong mga ulap. Napapalamutian ang langit ng dalawang buwang hinahaplos ng liwanag ang bawat bagay na kanilang maaninag. Maliban sa akin.

Puspos ang aking pagnanasang maangkin ang langit, mahiga sa mga ulap, at tawagin ang lahat ng ito na akin. Subalit, napanghinaan ako ng loob sapagkat natandaan kong muli ang aking tungkulin. Ang bato ay bato. Ang diwata ay diwata. Ilang sentimetro man ang layo lamang nila, hindi kailanman mahahaplos ng bato maging ang talampakan ng diwata. Hindi kailanman maaabot ng bato ang langit gaano man kataas itong ihagis. Ilang sentimetro na lang. Ilang sentimetrong walang hangganan.

H A L I K

(Muli ako'y umiibig. Sa aking pangatlong buhay, hindi ako makatatakas sa sakit. Mamamatay nang tahimik sa isang lasong matamis. Isang diwata. Engakanto nga siguro sapagkat nabuksan nito ang matagal nang nakakandado at nakakadenang puso ng bato.

Muli ako'y umiibig.

Mga kaibigan, ipagdasal n'yo ako sapagkat hinaharap kong muli ang kamatayan. )

-- may pakiramdam akong kilala n'yo na kung sino ako. Huwag magpalinlang. Huwag magpakabulag.

# posted by MoshiesBato @ 8:39 AM


Copyright 2003 | www.moshies.tk | Moshies Official Blogsite | Fourth Edition October 2006 |