Umuugong, umuuga Hawak ko ang iyong kamay Hawak mo rin ang kamay ko Mainit, mahigpit Nakatingin ako sa malayo Pinagmamasdan ang mga tanawin Na mabilis na dumaraan Tumingin ako sa iyo Ngunit di mo napansin Tinitigan kita, inusisa Tiningnan ang iyong Napakagandang mukha Na nakatingin din sa malayo May boses na narinig Hudyat ng pagtigil Inalalayan kitang bumababa Hawak hawak pa rin ang kamay mo Ngayon ay nagkatitigan na tayo Lumalabo ang aking paningin Napupuno na ng luha Sinubukang pigilin ng panyo Ang iyong tumutulong luha Ngunit walang silbi Pagkat basa na ang iyong pisngi Tinitingnan kita, hawak hawak Napakahigpit, ayaw kong bitiwan Ayaw kitang, ako'y iwan Sabi mo tama na, huli na Ang lahat nang iyan Bumaba, naglakad-lakad Hawak ko pa rin ang kamay mo Hawak mo rin ako Puso'y tumitibok Mabilis, walang hagot Oras na sabi mo Na bitiwan kita Mga kamay mo na ay nagsimula Na pumilit kumawala Paalam sabi mo, hindi na tayo magkikita Binitiwan ko na ang kamay mo Bumitiw ka rin dali dali Puso pa rin ay tumitibok Walang tigil, walang pagod Ika'y sumakay na sa bus na papaalis Pinagmamasdan pa rin kita Ang iyong napakagandang buhok Tumingin ka sa akin Ang sabi mo paalam Aalis ka na, iiwan ako nagiisa Para sa kanya, oo, para sa kanya Ito na ang huli Nakatingin pa rin ako sa iyo At ikaw sa akin Umandar na, gumulong Ang sinasakyan mo At sa gayo'y ikaw rin Ay tumalikod na at tumingin sa malayo Nandito pa rin ako Nakatayo, nakatayo sa kabila ng lahat Tigil ang mundo, nakatingin lamang Sa malayo.... Sa bakas na iniwan ng sinasakyan mo Pilit na inaaninag ka sa malayo Nakatingin lang, nakatitig Tigil ang mundo, nagaabang Basa na rin ang pisngi ko Di ko na napigil ang luha Tumutulo, tumutulo Hawak ko ang panyo Na may luha mo Isang munting alaala, ng iyong paglisan Patungo sa kanya, papalayo sa akin Papalayo sa akin.............