<$BlogRSDUrl$>


Best viewed using Mozilla Firefox 1.5
1024 x 768 resolution

Shoutbox



Links
Maricris
Gail
Miguel
Kath
Json
Omar
Ginel
Jessica
RC
Paulo
Jamie
Faith
Leo
Jade
Gino
Jullie
Aldrin

Archives





Saturday, October 22, 2005

ah..eh..ewan

*unang post* pasensiya na..need an outlet..;)

Naiiyak ako..ambigat ng dibdib ko..ang lungkot..wala akong patutunguhan..syet..kylangan ko ng kausap..pero ayokong makipag-usap..ewan..kylangan ko nang magpunta s simbahan..Lord patawad..ayoko na po talaga..parang gusto ko nang sumuko..i nid an inner peace..mahal ko kaung lahat..mahal nio ba ako? meron bng ngccare saken? psst, syatap..ayoko nang marinig ang sagot..mag-isa na lang ba ak parati? magulo ang mundo..mas magulo ang buhay ko..wala nang gugulo pa sa utak ko..mag-adik na lang kaia ako..pero mukhang mas luge ako dun..mahal pa..wala akong pera..eto ang ayaw ko pg wlang gnagawa, may oras pra mag-icp at mag-assess ng sarili..alam kong nde tama, pero gusto ko nang mgpasukan..magiging papansin na naman b ako? ayoko clang dramahan..unang-una nde bagay, pangalawa, sayang sa oras, pangatlo, d ko rn alam kung dpat bng cnasbi o pnpakita pa un eh my kanya-kanya rn clang mga teleserye..san kaia ako pupunta? nag-iimbita ang sunken, nangaalok pa ng yosi kaso lang andaming manyak dun..tsaka boring din pag mtgal..nkakasawa rn ang gnung katahimikan..nakakatakot dhil prang cnasbing dito lng tahimik pero sa totoong mundo eh maraming gera..suerte pg nanalo ka pero mas mdalas nman ay talo..mas mganda cguro sa cnsbing paraiso ng mga patay..makikita ko kaia un? meron b tlga nun o gnawa lng un ng mga malas sa lupa para my inaabangan sila pag iniwan na nila ang mundong ibabaw? bkit ba ako mababaw na ang kalaliman ay d nman mahukay ng kapwa ko tao..ang hrap pla ng gnito..un bng tuloy-tuloy lng at nde iniicp ang kasunod..cguro d ko msasakyan ang gnitong trip dhil organized akong tao..pero pra nmang mas msaya kc mas totoo..kaso walang kasiguraduhan kng may sense ang cnasbi..prang s buhay, kung wala kang plano, d mo alam kung anong dreksyon ung tinatahak mo, ampanget kasi mas malamang sa nde ay maligaw ka..pag nman mashadong maayos eh prang puro pagpapanggap ang nangyayari..ang labo no? o ako lng ang naguguluhan..naiicp dn kaia ng iba ang mga eto o mashado n clang masaya pra intndihin p ang gnitong mga kabaliwan..bka nman kagaya k rn clan ngtatago sa maskara..sa palagay mo? ano? oo..ikaw!! teka, nkikinig kb s akin?

# posted by MoshiesBato @ 12:26 AM


Friday, October 21, 2005

Sembreak Getaway!!!

Final details ito!!!

Oct 25-27 (Three days, two nights)

meeting: Oct 25; 8am; UPD-AS
PLEASE DON'T BE LATE; NAKAKAHIYA SA TRANSPO NATIN.
keep in mind, lugi sa deal natin ang may-ari ng jeep. gas pa lang olats na cia!

Basic fee: 500 (Transpo and stay)
Food: 100 (minimum)
sa nagcarlan na tayo mamalengke.

Para sa mga taong generous: just give our donations!!! tnx in advance!

RSVP!!!!

there are already 17 people sure to come.
contact marlo 09192505188 for details.

Mga pare ko! ALL SYSTEMS GO NA! tuloy na tuloy na ito!

-El Presidente

# posted by MoshiesBato @ 1:23 PM


Wednesday, October 12, 2005

huwag mag-alala

huwag kang mag-alala
ok lang ako
hindi lang ako makatulog sa gabi
kakaisip sa iyo

huwag kang mag-alala
ok lang ako
kita mo nang hindi ko nagamit
ang test permit ko

exempted naman kasi
aral lang nang aral

huwag kang mag-alala
ok lang ako
kabubura ko nga lang ng
mga mensahe mo

huwag kang mag-alala
ok lang ako
kita mo nang tinatawagan pa
kita, ma-edit lang iyong papel mo

exempted naman kasi
aral lang nang aral

huwag kang mag-alala
ok lang ako
nagkukulong lang naman ako
sumusulat habang basa ang papel
ng mga luha, hindi ko alam kung
saan galing

huwag kang mag-alala
ok lang ako
kita mo nang kinakausap
pa kita, kahit na
ayaw mo...

exempted naman kasi
aral lang nang aral

hindi ba sabi mo doon lang ako magaling?
kaya heto, ginalingan ko
hindi ba sabi mo mag-aral na lang ako
kaya heto, exempted ako

no te gusta ang sabi mo
mali, no te quiero pala
ngunit pareho lang ang ibig sabihin,
ayaw mo sa akin...

huwag kang mag-alala
ok lang ako
bigla lang akong tumahimik
nang sinabi mo iyon

huwag kang mag-alala
ok lang ako
kita mo nang malapit na
tayong magkalayo,
makalalaya na rin ako...

a cup of cold water mixed with a drop of cold blood

# posted by MoshiesBato @ 10:10 AM


Copyright 2003 | www.moshies.tk | Moshies Official Blogsite | Fourth Edition October 2006 |