Tatlong taon na ko ditong, Naglalakad, naglalakad at naglalakad Marami na rin ako nakasalamuha Merong gwapo at magaganda Mga matatalino at mga nakakapagtaka Meron mga jologs At meron din namang konyo May tibak, may neutral at may pro Basta, iba't ibang tao
Sa dami ng mga personalidad Nasaan na nga ba ang aking hinahanap Sa bawat isa na nagaaral Dito sa tinaguriang una Simple lamang yung hinahanap ko di ba Yung taong may solidong paniniwala Na pagsilbihan ang ating bansa Sa abot ng kanyang makakaya At hindi na lang umasa sa kamay ng mga kapitalista
Palagay ko nga ay hindi na ko makakakita Sa hirap nga naman ng buhay Bakit ko pa uunahin tong bansa Na wala namang inihatid Kung hindi bagyo at baha Ay mga tax na walang kwenta O di kaya ay mga lintik na budget cut Leche talaga, Php1000/unit na babayaran ko tuloy next sem.....
Pero di ba yun naman ang ginawa nila ni Andres, Jose at maging ni Diego?
Sa tagal ng panahon ay napagtanto ko Na iyon ang dahil kung bakit iba tayo Meron daw tayong pakialam sa mundo At hindi basta "wala lang" ang tono
Siguro patuloy pa rin ako maghahanap Maglakad, maglalakad, maglalakad Hanggang makita ko ang taong iyon At makausap siya ng personal Sabihin na "pare, idol kita!" At sabayan siya sa kanyang paglalakad...
~envynitar "a mug of hot water mixed with extra joss, hinalo gamit ang hinlalaki ng paa"
- binura ko na ang blog ko, kaya kung mapapansin, sa livejournal na pumupunta iyong link ko rito, wala namang espesyal na dahilan kung bakit ko binura, basta medyo nagsawa na ako sa blog ko, cluttered at magulo na siya, lalo na iyong tag board
- marunong na akong tumugtog na piano, at patuloy pa rin ako sa pag-aaral ng pagtugtog (next sem nga, gitara naman ang plano kong pag-aralan, wala namang espesyal na dahilan kung bakit ako nag-aaral tumugtog ngayon, gusto ko lang sigurong may mapagbuntungan ng pansin sa tuwing naaasar ako sa mundo
- kasalukuyan kong kinukuha ngayon ang aking minor sa English Literature, at pagdating ng fourth year ay may masteral subjects na ako sa Political Science, kaya medyo mabigat na ang ginagawa namin, puro basa at sulat na minsan nakakasawa na
- sorry nga pala Jamie sa hindi ko pagsipot sa lakad sa SM Southmall, alam ko galit ka sa akin at hindi ko ipagtatanggol ang sarili ko (i mean, hindi ako maghahain ng excuses sa hindi ko pagsipot) kaya ang magagawa ko lang ay humingi ng kapatawaran
- Marlo, may mga readings ako sa English Literature na makakatulong siguro sa iyo kung gusto mo talagang magpatuloy sa pagiging manunulat, at siguro pwede ka na rin kumuha ng mga units sa panitikan para mahasa pa ang iyong pagsusulat at mapag-aralan mo ang maraming paraan at teorya sa pagsusulat
- sa Abada boys, ipagdasal ninyo na lang kung sinoman (o kung sinu-sinoman) ang nagnakaw sa dorm ninyo, ipagdasal ninyo ang katahimikan ng kanilang kaluluwa, at ipanalangin ninyo na rin na patawarin sila ng Panginoon, alam ko mahirap gawin iyon (kahit ako hindi ko kaagad magagawa iyon) ngunit wala namang magagawa kung susubukan
- Jessica, kung required ka sumama sa mga rally, basta mag-ingat ka, tipong maging aware ka kung ano ang nangyayari, baka mamaya maaksidente ka pa, pero walang masama sa pagsama sa rally kung naniniwala ka naman sa ipinaglalaban nila, hehehe!!! :D
- so guys, iyan na muna siguro, wala pa akong naisusulat na kung ano sa nakaraang tatlo o apat na buwan, siguro sa sembreak na ulit ako susulat ng mga tula, maikling kwento, at kung anu-ano pa
- nga pala, ipagdasal ninyo ako, ipagdarasal ko rin kayo
a cup of cold water mixed with a drop of cold blood
uy sana nga magkaroon tayo ng class directory, syempre updated. kasi andami kong moshies na hindi natetext dahil di ko alam cel number nila... ayun lang! sumaglit lang ako sa blog natin kasi namimissh ko na ang mga mababait at magagaling kong mga kapatid sa ating nabubulok nang paaralan... x_x
"We have all of us been told that grace is to be found in the universe. But in our human foolishness and short-sightedness we imagine divine grace to be finite. For this reason we tremble... We tremble before making our choice in life, and after having made it again tremble in fear of having chosen wrong. But the moment comes when our eyes are opened and we see and realize that grace is infinite. Grace, my friends, demands nothing from us but that we shall await it with confidence and acknowledge it in gratitude. Grace, brothers, makes no conditions and singles out none of us in particular; grace takes us all to its bosom and proclaims general amnesty." - Babette's Feast, Karen Blixen