Hay... sobrang depressing, disappointing, nakakalungkot, at walang kwenta buhay ko ngayon! Hirap na ako sa lahat ng gawain sa school... nakakapagod ang thesis... tapos ang mga tao pa sobrang unappreciative at insensitive... naiinis ako, pero hindi ko kayang magalit dahil alam kong wala naman akong karapatang sabihin ang mga dapat gawin ng mga tao... kahit alam kong para sa ikabubuti nila... minsan siguro selfish na nga ako pero ewan... nakakaiyak lang talaga... nalulungkot ako... feeling ko there's so much pain inside of me.. and i feel empty and lahat na! kung wala lang akong takot sa Diyos at kung malakas lang loob ko siguro nagpakamatay na ako... ang hirap ng walang mabuhusan ng sama ng loob.. ang hirap ng kinikimkim ang damdamin.. ang hirap ng may reputasyong pinangangalagaan.. potah! napapagod na ako!
bakit ba kahit na gaano mo kamahal ang mga kaibigan mo.. hindi ibig sabihin ay ganun ka rin nila kamahal? at kahit gaano kasupportive ka.. wala ka pa ring kwenta.. sobra kong minamahal at pinapahalagahan ang mga kaibigan ko (kahit hindi halata) kasi.. sila.. kayo.. na lang ang mga tinuturing kong kapatid... alam niyo ba kung gaano ko gus2 magkaroon ng mga taong mabubuhusan ng sama ng loob? ng mga taong handang makinig sa oras na hindi ko na kaya... bakit ba kasi parang wala akong totoong mga kaibigan? feeling ko lagi akong lumalayo.. lagi akong umiiwas.. at feeling ko rin.. walang handang makinig.. walang may pake sa akin.. walang nagmamahal.. kaya nga madalas ang Diyos na lang ang kinakausap ko..
kung hindi ko lang talaga mahal ang mga magulang ko siguro hindi ko na pinagpupursiging makakuha ng mataas na grades.. ewan.. para sa akin kasi masaya ako kapag masaya ang mga magulang ko at ang paraan upang mapasaya sila ay ang makita nilang nagaaral akong mabuti at nageexcel sa studies kaya naman pinagbubutihan ko talaga ang magaral.. ayokong bumagsak.. lalo sa thesis.. hindi dahil para sa sarili ko kung hindi ayokong maging malungkot ang mga magulang ko.. sila na nga lang ang tinuturing kong mga kayamanan sa buhay..
pasensya na kung kakaiba akong magsalita ngayon.. hindi ko na talaga kaya.. kailangan ko lang talagang ilabas...
Hello! Si Gino ito. So kumusta naman tayong lahat? Sana wokei naman kayo, lalo na at sembreak na para sa marami sa atin. Lubus-lubusin natin ang pagpapahinga, para malakas ulit tayo sa susunod na sem, hehehe!!!
Mukhang makukulong lang ako sa boarding house ko ngayong sembreak. Siguro sa buong sembreak, apat o halos isang linggo lang ako mahihiwalay sa mahal naming boarding house, at ako lang mag-isa ngayon sa bahay, na kahit medyo nakakatakot, wala akong magagawa kung hindi humanap ng mga paraan para magpaantok para pagdating ko sa bahay, tulog na ako kaagad.
Kasi nga may tinatawag akong (at ako lang siguro ang nagsasabi nito) post hell week syndrome. Ito iyong tipong sembreak na pero hinahanap-hanap mo ang mga pahirap ng mga prof mo, mula sa mga oral examinations, long tests, hanggang sa mga papers (na hindi mo alam kung binabasa nila) at sa pagbabasa hanggang sumikat ang araw.
Napakalaking kalokohan, pero may hang-over na yata ako g hell week (o month) tuwing sembreak.
Kung updates ang pag-uusapan, wala ako masyado niyan. Ibig sabihin, wala masyadong bago, hehehe!!! Kung may bago man, siguro gumawa ulit ako ng blog. Bisitahin ninyo na lang kung may oras na kayo: www.cupofcoldblood.blogspot.com
Iyan na muna sa ngayon. Ingat kayong lahat.
a cup of cold water mixed with a drop of cold blood