<$BlogRSDUrl$>


Best viewed using Mozilla Firefox 1.5
1024 x 768 resolution

Shoutbox



Links
Maricris
Gail
Miguel
Kath
Json
Omar
Ginel
Jessica
RC
Paulo
Jamie
Faith
Leo
Jade
Gino
Jullie
Aldrin

Archives





Sunday, July 02, 2006

Ilang sentimetro na lang. Ang malumanay na paggalaw ng mga pulang-pulang bulak ang mas lalo pang naguudyok sa aking lumapit.

Ang tanging naghihiwalay sa bato at diwata ay ang manipis na hanging nagdadamot at nangunguryente dahil lamang sa inggit. Buong tapang kong tinitigan ang langit na sa wari ko'y hindi ako napapansin sa kabila ng ilang sentimetro lamang na distansya ko mula sa malalambot nitong mga ulap. Napapalamutian ang langit ng dalawang buwang hinahaplos ng liwanag ang bawat bagay na kanilang maaninag. Maliban sa akin.

Puspos ang aking pagnanasang maangkin ang langit, mahiga sa mga ulap, at tawagin ang lahat ng ito na akin. Subalit, napanghinaan ako ng loob sapagkat natandaan kong muli ang aking tungkulin. Ang bato ay bato. Ang diwata ay diwata. Ilang sentimetro man ang layo lamang nila, hindi kailanman mahahaplos ng bato maging ang talampakan ng diwata. Hindi kailanman maaabot ng bato ang langit gaano man kataas itong ihagis. Ilang sentimetro na lang. Ilang sentimetrong walang hangganan.

H A L I K

(Muli ako'y umiibig. Sa aking pangatlong buhay, hindi ako makatatakas sa sakit. Mamamatay nang tahimik sa isang lasong matamis. Isang diwata. Engakanto nga siguro sapagkat nabuksan nito ang matagal nang nakakandado at nakakadenang puso ng bato.

Muli ako'y umiibig.

Mga kaibigan, ipagdasal n'yo ako sapagkat hinaharap kong muli ang kamatayan. )

-- may pakiramdam akong kilala n'yo na kung sino ako. Huwag magpalinlang. Huwag magpakabulag.

# posted by MoshiesBato @ 8:39 AM


Copyright 2003 | www.moshies.tk | Moshies Official Blogsite | Fourth Edition October 2006 |