<$BlogRSDUrl$>


Best viewed using Mozilla Firefox 1.5
1024 x 768 resolution

Shoutbox



Links
Maricris
Gail
Miguel
Kath
Json
Omar
Ginel
Jessica
RC
Paulo
Jamie
Faith
Leo
Jade
Gino
Jullie
Aldrin

Archives





Wednesday, April 13, 2005

Kolehiyo

una, guess who... hehe...

clue: hindi ako malapit sa inyo... cguro sa iilan lang sa inyo...

Matagal na rin akong hindi nakakapagpost dito. Naaliw ako sa nabasa ko sa baba kaya naisipan kong magsulat. Hmm... interesting ang razon ng pagiging mahirap ng kolehiyo para sa kaniya. Sa totoo lang, nahihirapan din ako pero hindi dahil sa namimiss ko ang Masci. Ito na siguro ang bentahe ng pagiging makakalimutin. Ay... hindi lang pala makakalimutin, pagiging praktikal din pala. Huwag sana kayong maoffend pero medyo masaya akong hindi ako close sa section natin. Mahirap nga naman kasi kapag namimiss mo ang mga tao. Madalas mo silang isipin at siyempre, gugustuhin mo rin silang makita palagi. Sa kaso ko, kakaunti lang naman sila. At iilan lang ang nasa section natin. Oo, namimiss ko rin naman ang mga kalokohan pero ayaw kong magstay dun. Napangingibabawan ng utak ko ang puso ko. Praktikal nga eh. Siguro kapag pinaalala niyo, doon ko lang maiisip ang mga masasaya at malulungkot na pangyayari sa buhay natin pero kung tanungin niyo ako ngayon, walang pumapasok sa utak ko. Except sa McDonald's clap.

Tila masaya di ba? Kung hindi mo nabati ang isang classmate sa kaniyang birthday, excusable naman kasi hindi kayo close. Kapag hindi ka inimbitahan sa birthday whatsoever, hindi ka masasaktan. Bakit, close ba kayo? Kapag inimbitahan ka naman... Syempre touched ka. Pero maiisip mo rin na nahihiya lang sa iyo ang taong yaon kasi loner ka na nga, left out ka pa. Pero ok lang din naman kasi kapag may gagawin ka pang iba, ipagpapaliban mo na lang. Bakit, ano naman kung wala ka doon? Sino nga namang hindi makakapagconcentrate sa pag-aaral sa ganoong lagay hindi ba? Sa totoo lang, alam kong hindi lang ako ang ganoon. Pero ewan ko. Ang dating ko na nito malamang ay napakaheartless. Pero kailangan eh. Eto ang kailangan para makasurvive ka sa kolehiyo, which is not actually the real world. There is still something out there.... Mas hell pa sa hell week.

Haay Lit... Sorry, napapaisip lang ako. Madami kasi akong natutunan sa kolehiyo through English and Lit. Kahit mahirap, parang mas gusto ko buhay kolehiyo kaysa buhay Masci. Una sa lahat, sabi nga kahapon sa akin ng kaibigan ko... Sa college, you are not competing with others but with yourself. Ayun ang pinakaayaw ko sa Masci eh. At least ngayon, nagpapakaGC ka para sa sarili mo. At hindi mo rin pwede ikumpara sarili mo sa ibang hindi mo kacourse dahil maaaring mas mahirap o mas madali yung kanila. (no offense) Pangalawa, you get to know many people but only have a few true friends. Hindi ka mahihiya kung hindi ka close sa kanila kasi carebear nila sa iyo at carebear mo sa kanila. Ako, hindi ako gaano close sa block ko. Iilan lang kami at iilan lang doon ang nakakasama ko. May kinaiinisan pa nga ako sa kanila eh. Hehehe... One thing I can never get rid of. Pero at least hindi mo sila makikita araw-araw at oras-oras na nasa paaralan ka.

Isa pang nagustuhan ko sa kolehiyo ay ang mga natutunan kong bago. Siguro maswerte lang ako sa mga nakuha kong guro. Can you believe na napaisip akong kumuha ng minor in Literature? (Kaso mahal per unit eh) Malamang hindi ko siya magagamit dahil pagkalayo-layo niya sa kurso ko. Ang sabi nga ng karamihan ay pag magaling ka sa English, hindi ka magaling sa... and vice-versa. Ironically, mas mataas ang grade ko sa Languages kaysa sa subjects ng major ko. Hahaha... Kulit noh? Ewan ko lang kung anong magiging grade ni Ms. Labay sa mga composition ko. Ewan ko ba pero parang ang bait ng teacher ko at naappreciate niya pagsusulat ko. Hindi talaga tulad sa Masci. Maka-Diyos English teacher ko pero hindi required ang words na God, truth, beauty at (kung gusto niyo ng extra points) justice sa mga composition. Sa Lit naman, hindi kailangan gumamit ng profundity scale. Sobrang mas marami akong natutunan dito kaysa sa Masci although I would not have survived without such rigorous training.

What am I saying? Siguro gusto ko lang palabasin na ayoko na balikan ang nakaraan. Wala akong namimiss o naaalala gaano. Ewan ko kung lubos akong masaya pero kontento na ako sa lagay na ito. At mamayang magkakaroon ng reunion, nagsabi na akong sasama ako. Sa totoo lang, para lang sa isang tao. Para hindi kami OP. Pero dahil kailangan ko pa magregister ng non-required subject, baka hindi na lang ako sumama. Sus... Kawalan ba yun?

# posted by MoshiesBato @ 12:39 AM


Copyright 2003 | www.moshies.tk | Moshies Official Blogsite | Fourth Edition October 2006 |