Lilipas rin pala talaga. Hindi ko man lubos maisip kung paano ito nangyari pero ito na, nasa harapan ko na, hindi ko na matanggihan pa. Para siyang pagkain na inilapag na sa iyong mesa, masarap at mainit, at ikaw naman ay gutom at hindi pa kumakain ng kain ano. Totoo iyon. Sa wakas, ako ay malaya na. Malaya na sa lindol na idinulot mo sa aking buhay, sa mga problema na tumubo dahil sa pag-alaala sa iyo, sa mga luha na idinulot ng pagaasam sa iyo at sa pagod na inihatid ng pagpupumilit na iyo. Oo, sinubukan ko pa dati na pulutin ang mga piraso ng nabasag nating pagkakaibigan. Tiniis ang mga sugat na natamo mula sa mga matatalim na bahagi at hinayaan tumulo ang dugo sa lupa. Oo, ginawa ko lahat ng iyon. Marahil kung maaari lang ay magpapabundol ako sa trak para lamang mabuo uli iyon eh. At kung mabuhay pa ako ay sa eroplano naman. Ganoon ko talaga ginusto mabuo uli iyon. Noon pa man, pinuprotektahan ko na iyon mula sa mga mapanutyang mga tao na pinipilit basagin iyon, pinuprotektahan ko ng aking buong lakas. Ngunit siguro ang mga magagandang mga kwento na nagtatapos ng masaya ay talagang para sa mga nobela lamang. Habang tumatagal ang pamumuhay ko rito ay mas naniniwala ako na talagang malabong mangyari ang mga ganoong bagay. Mas lumilinaw na sa akin na ang mundong ito ay isa palang malamig na lugar. Parang gayon nga. Ang akala ko na tatagal ng mahabang panahon ay natapos lamang pagkatapos dumaan ang halos mga dalawampu't apat na paglabas ng kabilugan ng buwan. Mahaba pa rin siguro pero sadya pa ring napakaikli nun kung iisipin. Ang akala ko na hindi matitinag ng kahit ano pa man ay nawasak na lamang makatapos ang ilang pagpapasahan ng mga mensahe. Oo, inaamin ko na naging masakit talaga iyon. Noong iniwan mo ang lahat para lamang makasama sila. Masakit. Masakit talaga. Naging kanser na kumalat sa aking buong katawan. At hindi lang sa katawan, kung hindi, sa lahat ng bagay sa aking buhay. Marahil nga ay namatay na ako talaga eh, at ilang ulit pa pero salamat na lamang sa Kanya at hindi. Napakarami ko talagang ginagawa noon pero sa aking palagay ay kayang-kaya ko naman talaga eh pero nung simulan mo pang dagdagan ay hindi ko na kinaya. Ako'y bumigay, bumagsak, nadapa at nalublob sa putik ng pangungulila. Iniisip pa kita noon sa bawat sandaling lumilipas - iniisip kung kailan ba babalik ang dati at kung kailan ba mawawala ang itim na ulap na bumabalot sa akin. Paglipas ng panahon ay nawala rin nga ang ulap pero tila ibang init ng araw na ang aking naramdaman. Panibagong araw? Akala ko ay imposible mangyari pero ito na. Ang araw na nakikita ko ngayon ay iba sa araw na tinakpan ng mga ulap na iyon. Ibang-iba talaga. Mas maganda at mas nag-aalab. Marahil ay hindi na tulad ng dati pero sigurado ako na kapag hinayaan itong tumagal pa ay mas magiging makinang at matingkad pa sa dati. Maayos na uli ang buhay ko ngayon, iniayos ko na uli ito, lumagay na uli ako sa tahimik. Mamahalin ko na ang araw na ito ngayon dahil narito na rin naman eh. Para saan pa ang mabuhay sa kadiliman at kalungkutan kung mayroon naman parating liwanag na mapupuntahan. Tinamaan na rin ako ng mabuti sa ulo. Tama na itong gagawin kong ito. Hindi na ako mabubuhay sa nakaraan at hindi na rin ako magiging anino ng nakalipas na sapagkat iyon lamang ang dahilan ng mga problema. Mabubuhay ako sa kasalukuyan at babaguhin ko na ang aking pagkakamali, ang sobrang pagka-attach sa ibang tao. Tama na ang pilosopiya ko dati na hinding-hindi kailan man ilapit ang aking sarili eh pero hindi ko sinunod iyon. Ngayong talagang gagawin ko na ang lahat para maisakatuparan iyon. Ang lahat. Oo, itatapon ko na ang nakaraan, kakalimutan at ibabasura gaya ng ginawa mo sa akin. Sabi nila ay mas maganda raw gawing alaala iyon pero para sa akin ay hindi. Kakalimutan ko na iyon. Kakalimutan na ng lubusan at tuluyan. Ito na ang huli, ang kahuli-hulihan. Ang mga magagandang alaala ay itinapon ko na at hindi ako nagpapasalamat doon, para saan pa? Kung magkikita man tayo uli sa hinaharap ay siguradong ako'y isang bagong tao na. Kaya ngayon.....Paalam na sa iyo. Sa wakas, paalam na.
Paalam NA m.y.m.p
Bakit nang magpaalam ka Sabi mo ay babalik Hanggang gnayo'y wala Sino nga ba ang bago mo Mas malambing ba siya Mahal pa ba ako
Hindi ko na pansin paglipas ng araw Ang nasa isip ko na lamang Laging ikaw
Paalam na Nasaan man ngayon May iba mang mahal Pangako'y di nagtagal Paalam na Sana'y alam mo Ang puso'y maghihintay alang-alang sa'yo
Instrumental
Di ba ang sabi mo noon pang habang-buhay na tayong dalawa Dito sa pusong bihag mo Wala nang papalit Ikaw lang at ako
Hindi ko na pansin paglipas ng araw Ang nasa isip ko na lamang Laging ikaw
Paalam na Nasaan man ngayon May iba mang mahal Pangako'y di nagtagal Paalam na Sana'y alam mo Ang puso'y maghihintay alang-alang sa'yo
Instrumental
Paalam na Nasaan man ngayon May iba mang mahal Pangako'y di nagtagal Paalam na Sana'y alam mo Ang puso'y maghihintay alang-alang sa'yo