mga tao! third year na tayo! yey :D halos lahat sa atin eh tapos na ang kalahating bahagi ng kalbaryo ng kolehiyo. wala lang... d ba masaya? sunod niyan eh magttrabaho na tayo. anong gagawin niyo sa unang suweldo niyo? (naalala ko ung bagong commercial... hahaha)
nafoforesee nyo ba ang sarili niyo more than 10 yrs from now? ako nde pero feeling ko mala-Kim Sam Soon ang aking magiging kapalaran. trenta na wla pang asawa. wahahahahaha. well... hmm... sana nga... para mapayaman ko pa pamilya ko. bilhan ko daw sila ng bahay at kotse. the pressure! hahahaha.
mabuti na un di ba? kaysa naman maaga kang magpapamilya na wala ka namang pantustos. sana naman walang maging batang ama at ina sa atin noh. grabe ung mga pinsan ko. yung isa mas bata pa sa akin, ama na! kambal pa ang anak... grabe talaga...
anyway, reunion ba kamo? cge ba! pero after 7 years na lang. gudness... wla pa naman sigurong grand changes sa atin na super duper shocker noh. magkita-kita na lang tayo kapag talagang mature na ang pananaw natin sa buhay. para mas may sense na ang usapan. tsaka wla pa tayong gaanong naaachieve sa buhay natin. pera pa rin ng mga magulang natin ang ginagastos natin. hahaha.
anyway, congrats, happy birthday and everything na lang sa inyo. nung isang araw ko pa gusto magblog kasi puno na ng kung anu-anong thoughts ang utak ko. :D