Best
viewed using Mozilla Firefox 1.5
1024 x 768 resolution
Shoutbox
Links
Maricris
Gail
Miguel
Kath
Json
Omar
Ginel
Jessica
RC
Paulo
Jamie
Faith
Leo
Jade
Gino
Jullie
Aldrin
Archives
|
Saturday, June 04, 2005
kasingbilis ng ano?
parang ang bilis lumipas ng apat na taon
kasingbilis ng mga daliri mo sa paggamit ng telepono
hindi
siguro mas mabilis pa roon
mga kasingbilis ng pagpapadala ng mensahe gamit ang cellphone
hindi
higit na mabilis pa roon
mga kasingbilis ng paggawa ng mensaheng magandang basahin ngunit walang katuturan
hindi
siguro mas mabilis pa roon
mga kasingbilis ng pagpapadala ng mensaheng utak lang ang kasama ngunit hindi ang puso
hindi
higit na mabilis pa roon
mga kasingbilis ng pag-iisip mo ng masasabi makuha mo lamang ang kanyang atensyon
hindi
higit na mabilis pa roon
mga kasingbilis ng paglikha mo ng mga salitang alam mo namang hindi niya iintindihin
hindi
higit na mabilis pa roon
mga kasingbilis ng pagdurugtong mo ng mga titik na may katuturan para sa iyo ngunit sa kanya'y wala
oo, wala nga
'pagka't mabilis ang paglipas ng apat na taon
mga kasingbilis ng pagbura sa mga mensaheng matagal nang binasa
mga kasingbilis ng paglimot sa mga salitang pinakatagu-tago sa inbox
mga kasingbilis ng paglimot sa mga numerong hindi mo na kailangan pa
ganyan lumipas ang apat na taon kasingbilis ng paglimot kasingbilis ng pagbura
apat na taon ang inilaan sa atin upang lumimot at ang paglimot ang ating dapat ginawa sa loob ng apat na taon# posted by MoshiesBato @ 10:33 PM
|