Best
viewed using Mozilla Firefox 1.5
1024 x 768 resolution
Shoutbox
Links
Maricris
Gail
Miguel
Kath
Json
Omar
Ginel
Jessica
RC
Paulo
Jamie
Faith
Leo
Jade
Gino
Jullie
Aldrin
Archives
|
Thursday, June 09, 2005
Cosine Function
Ayan ka na naman Balik sa dati mong ugali Kung saan ako'y parang Iniiwan mo sa hangin
Buhay nga naman Talaga nga bang ganito Parang kagabi lang Ako'y kausap mo
Talagang ang sarap Marinig kang muli Ang iyong tinig na walang Halong kahit anong bahid
Makatapos ang ilang Buwang pananatili Sa isang karimlang iyong Pinagtapunan sa akin
Isang kadilimang Walang hangganan Tahimik at malamig Malungkot at nagiisa
Pero ika'y nagbalik Kamakailan lamang Upang ako'y iligtas Sa putik na pinagsadlakan
Na nagdulot naman Nang lubos na saya Hindi na uli ako Nagiisa....nagiisa
Pero ang tuwang iyon Panandalian lang Hindi rin tumagal At tila sumaglit lamang
Nagkagulo-gulo uli Ang kawawa kong mundo At doon din mismo'y Iniwan mo na ko
Matagal nagpatibay ng loob Ginawang bato ang puso Para lamang muling Ako'y makabangon
Muli sa mga guho Ng puso kong ito Na napira-piraso Nang araw na iwan mo ako
Pero bumalik ka rin Para kulayan muli Ang mundo kong itim Pangit at madilim
Pero ayan ka na naman Nangiiwan uli sa hangin Na parang dating Ginawa mo na sa akin
Kung kelan pa man Ang akala ko'y ayos na Kung kelan pa man Ang alam ko'y ayos na
Inuulit mo na naman ang dati Ibinabalik ang panahon Pinapalungkot na naman Ang kawawa kong puso
Bakit lagi ka na lang Ganito sa akin Pilit pinababago Ang isang larawang luma na
Paulit-ulit At tila walang hanganan Kahit saan mo pa tingnan Parang walang katapusan
Talaga nga naman Parang pinaaalala sa akin Ang isang bagay.... Na cosine function kung tawagin
Ngunit huwag naman sana Ito magtuloy-tuloy Sapagkat ika'y mahalaga Sa buhay kong ito
Kahit ano pa man Ang aking sabihin Patuloy akong maghihintay Sa muli mong pagtawag
Upang ako'y maligtas Upang ako'y iligtas Sa kumunoy na Sa aki'y humahatak
Hihintayin kita Iyan ang totoo Abutin man ako Ng singko singko
Patawad sa aking Tila kapangahasan Pero andito lang ako Nakaupo, nakatingin, at nagaabang.... [sa iyong ngiti, na langit ang katumbas]# posted by MoshiesBato @ 7:19 PM
|