<$BlogRSDUrl$>


Best viewed using Mozilla Firefox 1.5
1024 x 768 resolution

Shoutbox



Links
Maricris
Gail
Miguel
Kath
Json
Omar
Ginel
Jessica
RC
Paulo
Jamie
Faith
Leo
Jade
Gino
Jullie
Aldrin

Archives





Sunday, May 15, 2005

walang signal

noon

ang lakas
ng signal
ko

ang taas
ng halaga
ng load
ko

hindi na
kailangan pang
lumabas ng bahay
upang makatext
dahil nga
malakas ang signal
kahit sa loob ng
bahay

akala ko

malakas din
ang signal
mo

mataas din
ang halaga
ng load
mo

na
hindi mo na
kailangan pang
lumabas ng bahay
upang makatext
dahil nga
malakas ang signal
kahit sa loob ng
bahay

kaya nagpatuloy ako
sa pagpapadala
ng mga mensahe
(na sinasagot mo naman)

ngayon

hindi na malakas
ang signal
ko

mababa na rin
ang halaga
ng load
ko

kailangan ko pang
lumabas ng bahay
upang makatext
dahil nga
mahina ang signal
lalo sa loob ng
bahay

alam ko

hindi na malakas
ang signal
mo

mababa na rin
ang halaga
ng load
mo

na
kailangan mo pang
lumabas ng bahay
upang makatext
dahil nga
mahina ang signal
lalo sa loob ng
bahay

kaya tumigil na ako
sa pagpapadala
ng mga mensahe
(hindi mo na rin naman sinasagot)

wala na akong signal
(ikaw rin naman)
wala na akong load
(lalo ka na)

ano pa nga bang mayroon sa atin?

sa akin, wala na
hindi ko alam sa iyo-

kasi nga,
walang signal
itong phone ko

a cup of cold water mixed with a drop of cold blood

# posted by MoshiesBato @ 10:22 PM


Copyright 2003 | www.moshies.tk | Moshies Official Blogsite | Fourth Edition October 2006 |