<$BlogRSDUrl$>


Best viewed using Mozilla Firefox 1.5
1024 x 768 resolution

Shoutbox



Links
Maricris
Gail
Miguel
Kath
Json
Omar
Ginel
Jessica
RC
Paulo
Jamie
Faith
Leo
Jade
Gino
Jullie
Aldrin

Archives





Sunday, May 01, 2005

pisong hindi bumabalik

sabi nila
hindi mabubuo ang isang daan
kung wala ang piso

sabi ko
hindi ako makakapagpadala ng mensahe
kung wala ang piso

sabi nila
sa panahon ngayon
hindi dapat malugi kahit na pipiso

sabi ko
kapag hawak na ang telepono
bahala na ang piso

sabi nila
ngayong taghirap
ipunin kahit na piso

sabi ko
kahit mahirap
gagastos ako ng piso

basta ba naaalala kita...

sabi nila
ngayong hikahos
at bagsak ang ekonomiya
wala nang halaga ang piso

sabi ko
ngayong ikaw lang
ang nasa isip ko
may halaga ang piso

dahil sa bawat
mensaheng pinaaandar
ng piso kong
kakarampot kung
tutuusin,
kalakip doon ang
bawat sandaling
iniisip kita
at inaalala kita

kahit hindi na minsan bumabalik ang pisong pinaandar ng mensahe

a cup of cold water mixed with a drop of cold blood

# posted by MoshiesBato @ 10:14 PM


Copyright 2003 | www.moshies.tk | Moshies Official Blogsite | Fourth Edition October 2006 |