<$BlogRSDUrl$>


Best viewed using Mozilla Firefox 1.5
1024 x 768 resolution

Shoutbox



Links
Maricris
Gail
Miguel
Kath
Json
Omar
Ginel
Jessica
RC
Paulo
Jamie
Faith
Leo
Jade
Gino
Jullie
Aldrin

Archives





Monday, May 09, 2005

minsan nakaiinggit

minsan
nakakainggit ang isang
cellphone
buti pa siya, laging hinahawakan
inaalagaan
na ultimong buhay
ibibigay
huwag lang manakaw ninuman
at sa tuwing magpaparamdam
agad-agad tinitingnan
binibigyag-pansin

minsan
nakakainggit ang isang
computer
buti pa siya, laging inaasikaso
inaayos
na pinagkakagastusan nang hindi
biru-birong halaga
huwag lang bumagal
at sa tuwing may kailangan
laging kaharap
at minsan kinakausap

minsan
nakakainggit ang isang
iPod
buti pa siya, laging pinakikinggan
at laging dala-dala
na pilit at laging
aalalahaning bitbitin
huwag lamang malimutan
at sa tuwing may bagong tugtugin
ay kasa-kasama
pinakikinggan lagi

minsan
nakakainggit ang isang
role playing game
buti pa siya, pinagtitiyagaang
tapusin, pinaglalaanan
ng oras, pagod, at pera
gagawan ng paraan
huwag lang maputol sa paglalaro
at sa tuwing nakakalaro
ay may saya
may galak

minsan tuloy
masasabing walang kaiinggitan
ang isang bagay
sa tao
na,
walang humahawak
walang nag-aalaga
walang nag-aasikaso
walang nag-aayos
walang nagtitiyaga sa paglalaan ng
oras, pagod, at pera

minsan tuloy
masasabing hindi masarap
ang pagiging
tao
mabuti pa ang bagay:
pinagbubuwisan ng buhay
binibigyang-pansin kapag nagpaparamdam
pinagkakagastusan nang malaki
laging may kaharap
laging may kumakausap
nakakapagpagawa ng kung anu-anong paraan
nagbibigay-saya
nagbibigay-galak

ngunit kahangalang sabihing higit ang isang bagay sa isang tao

minsan nga lang, nakakainggit...

a cup of cold water mixed with a drop of cold blood

# posted by MoshiesBato @ 1:30 AM


Copyright 2003 | www.moshies.tk | Moshies Official Blogsite | Fourth Edition October 2006 |