huwag ka na magtaka; hindi, huwag ka na magtanong sapagka't wala rin akong nakahandang sagot
huwag ka na tumawag; hindi, huwag ka na mag-text sapagka't wala rin akong load pang-text
huwag ka na magpakita; hindi, sana huwag na tayong magkasalubong pa baka ibalik lamang ng iyong mga ngiti ang mga panaginip na binura ko na sa aking isip
sana nga nabura ko na...
hindi, huwag ka na lumapit lalung-lalong huwag kang titingin
ayaw ko na muling mahuli ng mga mata mo
at makita ang walang kabuluhang mundo ko sa iyo
oo, walang kabuluhan...
sapagka't walang pinupuntahan ang bawat mensaheng aking ipinapadala bilang isang pagpapaalala sa iyo na...
iniisip kita
oo nga pala, ano ang dapat asahan sa piso-pisong pagpapakita ng pagmamahal
huwag ka na mag-aksaya ng panahon; hindi, ipunin mo na lang iyang piso sapagka't wala na rin yata akong ipangbabalik, wala ka na ring babalikan
dahil hindi naman para sa akin ang pisong iyan...
a cup of cold water mixed with a drop of cold blood