<$BlogRSDUrl$>


Best viewed using Mozilla Firefox 1.5
1024 x 768 resolution

Shoutbox



Links
Maricris
Gail
Miguel
Kath
Json
Omar
Ginel
Jessica
RC
Paulo
Jamie
Faith
Leo
Jade
Gino
Jullie
Aldrin

Archives





Saturday, May 14, 2005

binura ko na ang lahat

binura ko na
ang lahat ng
mga mensahe
mo

hindi ko na
alam kung bakit
basta binura
ko

madaling-araw na
noong ginawa ko
ang pagbuburang
iyon

basta nabura ko na

tapos...

kung iisipin ilang
buwan ko ring
itinago ang
lahat ng
mensahe
mo

inilagay sa isang
folder ng inbox
ng telepono
ko

karamihan walang saysay
lahat pangkaraniwan

ngunit pinilit pa
ring itinago

kasi galing sa iyo...

ngunit ngayon nga
binura ko na
lahat ng
mensahe
mo

'pagka't kulang na
sa memory ang
cellphone ko

kailangang burahin
ang kailangang alisin
dahil kung hindi
hindi papasok
ang mensahe
ng iba
na galing sa
iba

sayang lang ang
memory
kung walang
paggagamitan...

mabuti pa ang telepono
nahahawakan ko
mabuti pa ang mensahe
nababasa ko

sana
nahahawakan ko rin ang mga kamay mo
nababasa ko rin ang nasa isip mo

pero huli na
umasa lang ako sa pinagkabit-kabit
na salita

binura ko na ang lahat ng mga mensahe mo...

a cup of cold water mixed with a drop of cold blood

# posted by MoshiesBato @ 9:52 PM


Copyright 2003 | www.moshies.tk | Moshies Official Blogsite | Fourth Edition October 2006 |