<$BlogRSDUrl$>


Best viewed using Mozilla Firefox 1.5
1024 x 768 resolution

Shoutbox



Links
Maricris
Gail
Miguel
Kath
Json
Omar
Ginel
Jessica
RC
Paulo
Jamie
Faith
Leo
Jade
Gino
Jullie
Aldrin

Archives





Monday, February 14, 2005

Valentine's Day

Valentine’s day na..

Kapag dumarating ang valentines day ay natutuwa ako. Pano ba naman laging sabay ang teacher’s day sa araw na ito. Kaya sa ibang subject ay walang klase. Tapos kapag lumabas ka pa ng eskwela ay makikita mo ang sandamakmak na mga tinderong nagbebenta ng kung anu-ano -merong chocolates, balloons at syempre di mawawala ang mga rosas. Ang araw na ito ay parang holiday sa eskwelahan. Mayroong ginaganap na programa. Kakanta ang ilang mga estudyante, sasayaw ang ilang mga guro, at magtatalumpati ang mga opisyal ng paaralan. Sa loob ng anim na taon sa elementarya ay walang ibinigay sa akin ang araw ng mga puso kundi “entertainment.”

Valentine’s day na..

Nagbago ang pananaw ko sa valentines day noong tumuntong ako ng sekundarya. Saan ka man tumingin sa paligid ng paaralan ay siguradong mayroong magkahawak-kamay. Ang iba pa nga ay naglalampungan. Halos sa buong araw ay nakatambay lang sa tabi at nagkulitan. Hay. Buhay nga naman. Habang ang iba ay naglalampuchingan, ang iba naman ay nasa silid at nag-aaral. Nag-aaral ng ano? Syempre dahil araw ng mga puso, walang atikabong chikahan sa loob ng silid tungkol sa mga storya ng totoong pag-ibig. Romeo at Juliet sa English at Florante at Laura naman sa Filipino. Pati nga sa Biology eh, reproduction ang topic. At syempre hindi mawawala ang mga tindero ng mga chocolates, balloons at rosas sa labas ng paaralan. Patok din ang mga cards ni Hallmark tuwing sasapit ang araw ng mga puso.

Valentine’s day na..

Ikalawang taon ko na sa sekundarya. Ganun pa rin naman ang buhay Valentine’s day. Ang pinagkaiba lang ay ang mga topic na tinalakay sa klase. Mas matitinding love stories. Idagdag mo pa ang dumaraming mga magsing-irog sa loob ng paaralan. Nagparty ang aking tropa. E pano ba naman lahat kami ay walang mga ka-date. Feeling namin di kaya ng boys ang powers namin. Hindi sila makalapit. Insecure siguro. Ang feeling ba?
Pagdating ko sa bahay ay nakakuha ako ng text. Galing ito sa iyo. Gusto mong lumabas. E eto naman ako at walang ginagawa kaya go! Nanood tayo ng sine. Kumain sa labas. Bago mo ako ihatid pauwi ay dumaan tayo sa simbahan. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagtapat kang may nararamdaman kang kakaiba. Akala ko nung una ay nahihilo ka lang o baka naman naiihi. Ngunit sinabi mo na mahal mo ako. O yes! Nakaloko rin ako ng isang lalaki! O no! kawawa naman tong friend kong ito.Hay buhay nga naman.
Alam mong may iba akong mahal pero nanatili ka pa ring laging andyan para sa akin. Dumating ang mga masasaya at malulungkot na mga araw ko. Hindi ka nawala sa tabi ko. Lagi mo nga akong inaasikaso e. Pero hindi ko talagang magawang iakyat pa sa susunod na level ang ating pagkakaibigan.

Valentine’s day na..

Ganito rin ang eksena noong ikatlong taon ng sekundarya. Madaming lovers ang naglilibot sa paaralan. E pano naman ang mga walang sabit? Ayun. Nag-aaral sa library. e ako? Ang tropa namin ay nag-celebrate ng aming pagiging single. Aba. NBSB ata kami. No Boyfriend Since Birth. Isang malaking wala ang valentines day. Kumain kami at nagsaya na lang.
Nagtext ka ulit. Gusto mong magkita tayo. Go nanaman ang lola mo dahil wala naman akong gagawing iba. Doon nga tayo nagkita sa simbahan kung saan ka nagtapat e. Nagdasal tayo. Bago umuwi ay sinabi mo na mangingibang-bansa na kayo ng pamilya mo. Nalungkot ako. Valentine’s day at pinaiyak mo ako.
Lumipas ang dalawang buwan at natuloy ang pagpunta mo sa USA. Kasabay mo pa nga ung lolo ko sa eroplano diba? Sa loob ng ilang buwan ay tumatawag ka pa rin.
Isang taon pa at nagtapos na ako ng sekundarya. Alam ko. Nakalimot ka na.

Valentine’s day na..

Nag-aantay ako ng e-mail na galing sa iyo. Alam mo naman ang e-mail address ko e. Siguro talagang pinili mong ‘wag nang sumulat. Oo nga pala. Ako nga pala ang nagsabing ‘wag mo na akong intindihin. Hay. Kung bakit kasi hindi ko kinuha ang e-mail mo e. Kahit sa friendster nga hindi kita mahagilap.
Naisip ko lang. Valentine’s day nanaman. Sa laki ng UP ay wala pa rin akong nahahanap na “special someone” na makakasama ko ngayong araw na ito. Sana pala andito ka na lang. Masaya namang manood ng sine at kumain sa labas kasama mo e. Malay mo mahulog din ako sa iyo. Hay.
Nanaginip pala ako kagabi. Bakit kaya bigla ka nanamang sumulpot sa buhay ko. Ayos lang pala. Kasi kahit sa panaginip, at least nandun ka. Pero nalungkot ako e. Alam mo kung bakit?

Nakita kita sa malayo
Di ka pa rin nagbabago
Ang iyong magandang ngiti
Sa pagod ko'y nakapapawi
Lalapit na sana ako
Nang may yumakap sa iyo
Siya na ba? Siya na ba ang bago mo?
Maganda siya... Bagay kayo...
Unti-unting nalaglag
Mga butil ng kristal na nakabubulag
Kailan matutuyo ang mga luha?
Kailan matatanggap na wala ka na?

Nagising akong iniisip ka. Kung nasaan ka man, sana ay masaya ka na. Sana sa susunod na valentine’s day ako rin masaya na.

-=M=-

# posted by MoshiesBato @ 11:12 AM


Copyright 2003 | www.moshies.tk | Moshies Official Blogsite | Fourth Edition October 2006 |