May kaibigan ako. Medyo matgal na rin kaming magkakilala. Kung di ako nagkakamali, sa isang party un. Pinakilala kami sa isa’t isa. Dedma lang ako. Ewan ko ba sa sarili ko. Nde naman kasi talaga ako ganun ka-friendly sa umpisa e.
Aun. Pareho pala kami ng papasukan. Nung mga unang buwan ng pers sem, nde kami madalas magkita dun. Nde naman kasi kami nag-uusap. Nde kami close. Once lang ata kami nun nakapag-usap, sa telepono pa. Wag mo na lang itanong kung bakit. Basta sa telepono. Nde ko pa nga siya nakilala nun. Nalaman ko lang na siya un nung sinabi nya sakin na siya un nung una naming pagkikita sa skul (gets mo ba? o malabo? pasensya na). Nakakatuwa nga e. Tapos na ang midterms ng mga panahong un at dun lang kami nagkita, rather, nagkakilala talaga.
Simula nung mga oras na un, napapadalas na ang aming pagkikita. Medyo nag-uusap na rin. Ayan, e d ok na. May nff na kong naidagdag sa buhay ko. Nung palapit na matapos ang sem, tsaka lang talaga kami nagkakasama. Fresh pa nga sa memory ko ung mga araw na un e. Ang pagkukulitan, ang pang-aasar, ang korning palabas sa tv, ang nilalaro naming nde ko lam title para pampalipas oras, ang mga jokes ala Miguel, at iba pa. Natuwa tuloy ako.
At ngayon nga, eto na. Mas nagiging close na kami. Masaya. Oo. Masaya. Lagi na kaming nagkakausap. May nakalaan na ngang oras na magkasama kami sa mga designated na araw. Dahil dun, mas nakilala ko siya. Kakaiba sya. Kahit na medyo may bisyo, keri naman. Ayan tuloy, baka nahuhulog na ko sa kanya.
Ok lang naman e. D b? Sino ba naman ang nagsabing bawal. Kaso ayaw ko e. Ayaw ko ng ganito. Bakit tanong mo? Kasi wala rin namang mangyayari e.
Hay. Malamang ang gulo2 na ng mga pinagttyp ko dito. Kung naiintindihan mo, maraming salamat. Kung nde, maraming salamat pa rin sa pagbabasa. Gusto ko lang talagang ishare ang tumatakbo sa isip ko. Sasabog na ko e.