<$BlogRSDUrl$>


Best viewed using Mozilla Firefox 1.5
1024 x 768 resolution

Shoutbox



Links
Maricris
Gail
Miguel
Kath
Json
Omar
Ginel
Jessica
RC
Paulo
Jamie
Faith
Leo
Jade
Gino
Jullie
Aldrin

Archives





Friday, January 14, 2005

Wala lang, iniisip ko lang, kung alam ko lang na ganito, sana pala ay hindi na lang talaga tayo napalapit ng sobra sa isa't-isa.
Wala lang, iniisip ko lang, paano kaya kung nangyari iyon? Marahil ay naging mas masaya ka pa sa piling nila, marahil ay hindi ka na talaga umiyak, at marahil ay wala sa iyong gumugulo sa tuwi-tuwina. Hindi ba masaya iyon? Hindi ba? Sa totoo lang eh kung iisipin mo eh mukhang mas masaya nga na wala iyong tao na iyon sa buhay mo.
Wala lng, iniisip ko lang, nalulungkot na talaga ako. Siguro nga ay hindi iyon halata sa labas pero kung ika'y papasok at bubuksan ang aking puso ay makikita mo ang totoo. Oo, ang totoo. Ang katotohanan na ang puso ko ay wala nang laman, isa na lamang siyang madilim at malimig na bagay sa gitna ng aking katawan. Nabubuhay na lamang ako dahil sa kakarampot na init na hatid ng pagasa na ang dati ay babalik pero sadya ba talagang ganito kahirap panatilihing buhay ang init na iyon o sadya lang talagang unti-unti, sa paglipas ng mga araw, iyong nawawala, namamatay - na parang ako. Unti-unti na akong namamanhid, nilalamig.
Wala lang, iniisip ko lang, siguro sadya talagang natuwa ka na ang isa sa kanila ay nagbalik. Nagbalik upang alagaan kang muli tulad ng ginagawa nila dati. Naiintindihan ko naman eh, malamang ay nagalak ka lang talaga sa pagbabalik niya kaya ako'y binabalewala mo na lamang ng basta-basta, na para bang isang gamit na pinaglumaan at pinagsawaan, pero hindi rin ako nakakasiguro dun. Siguro na nga lamang, ang mahalaga eh masaya ka. Ganoon naman parati ako hindi ba? Kung saan ka masaya eh doon din ako sa tabi tabi, nasisiyahan din. Basta para sa iyo lahat, handa akong gawin. Noong nagbalik siya, tila lahat nagbago na, malamang nga eh mas magaling siya sa akin, siguro nga totoo iyon. Sino nga ba naman ako sa tabi niya hindi ba. Isa lang akong maliit na tao na nagaaral diyan sa tabi-tabi. Siguro napakagaling niya. Marahil kaya niyang gawin ang lahat ng kaya kong gawin at mga nagawa ko na ng isang-daang ulit pa at isang-daang beses pang mas maganda. Siguro nga iyon yung dahilan. Sino ba naman ako sa tabi niya. Malamng kapag itinabi talaga ako eh marahil isa na lamang akong butil ng bigas kumpara sa kanya. Ano nga ba naman ako, na isang dating patapon, isang extra lang, isang pandagdag lang sa isang tulad niya na. Pero hindi rin ako sigurado dun. Ah basta bahala na. Bahala na lang siguro ang ating mapagmahal na Diyos sa akin at sa kung ano man ang mangyayari sa akin.
Wala lang, iniisip ko lang, sa totoo lang nagbago ako eh. Hindi na ako iyong dati na patapon ang buhay, isang tao na walang direksyon ang buhay, isang taong parang hanging by a moment ang kanta ng buhay, kung ano ang nandiyan ay iyon na lang. Pero noong tayo ay nagsimula nang mapalapit sa isa't-isa ay talaga nga namang nagbago ako. Kahit paunti-unti ay may pagbabagong nagaganap sa akin. At ikaw ang dahilan ng iyon. Ang dati na bato kong puso ay natibag, lumambot at unti unti nang patungo sa direksyon ng pagiging mamon. Dati ay nasasabi ko sa kanya ang lahat-lahat, as in lahat kaya siguro naging masaya ako sa piling niya. Isang tao siya na sinasamahan ako sa lahat. Pero hindi na ngayon. Balik na naman ako sa pag-iisa. Maglalakad na naman ako ng walang kasamang talagang mapagkakatiwalaan sa buhay ko. Sinamahan mo na uli siya. Ngayon paano na ako? Kaya nga ba siguro tama ang paniniwala na dapat ay hindi tayo dapat magtiwala ng lubos-lubos sa mga tao eh dahil kapag iniwan ka nila ay lalo ka lang madadapa at magkakagalos. Tama nga siya, tamang-tama siya. Sana pala ay hindi ako kumawala sa paniniwalang ito.
Wala lang, iniisip ko lang, nagugutom ako. Hindi pa ako kumakain simula pa kaninang umaga. May pera naman akong pambili pero sadyang ayoko lang. Inilalaan ko ito sa ibang bagay na mas importante - inilalaan ko ito sa kanya. Pambili ng mga bagay bagay na ikatutuwa niya. Hindi naman siya talaga materialistic pero masaya ako kapag masaya siya at masaya siya kung binibigyan siya ng mga bagay-bagay na gusto niya. Hindi naman kamahalan iyong iba eh at iyong iba eh katamtaman lang. Buti na lang ay ganoon kasi iyon lang iyong mga bagay na kaya kong bilhin eh, wla nang iba. Hindi tulad niya na kahit ano eh kaya, at iyon ay sa isang pitik lang ha. Hindi na niya kailangan pang magutom o gumawa ng kahit anong maagang pinitensiya. Siguro ay itutulog ko na lang ito, mas maganda na iyon. Mamaya na lang ako kakain, sa hapunan lang. Palitan mo lang naman ng "u" iyong "o" tapos ay dagdagan mo ng "an". Ang hapon ay magiging hapunan na di ba. Sandaling oras na lang iyon. Konting tiis lang. Kailangan ko lang mag-isip ng ibang bagay at ituon doon ang atensyon para hindi ko na maalala ang gutom na aking nararamdaman. Sabagay, wala ito sa gutom na naramdaman ko simula noong kunin ka uli niya. Dapat talaga naisip ko na iyon nung una pa eh. Isa lang talaga akong walang kwenta, dapat talaga ay hindi na ako nagkaroon ng direksyon sa buhay kung alam ko lang na mawawala uli iyon. Ngayon, mas ligaw pa ako. Kung alam ko lang sana eh hindi ko na lamang ginawa ang lahat nang iyon, siguro nga'y mas malusog pa ako ngayon kung ganoon. Kumakain tatlong beses isang araw, at ang pagkain ay hindi lang diyan sa tabi-tabi kundi sa isang masarap na kainan. Ngunit huli na ang lahat, wala na, nandito na ako eh, wala nang balikan ito.
Wala lang, iniisip ko lang, marahil ay sobrang haba na nito, tama na siguro, sapat na sana ito para maipahayag ko ang ungol ng puso kong ito. Sana naman sa susunod na mga araw ay hindi na ganito ang buhay ko, sana maiba naman. Pakiramdam ko kasi ay talagang ako ay bibigay na. Iyon lang, naaalala ko lang iyong dati, na masaya ka na kasama ako. Marahil, magiging dati na lang iyon, hindi na ngayon, hindi na siguro kailanman. Pero kung mamarapatin at masusunod lamang ako ay sana hindi mangyari. Gusto kong bumalik ung dati....ung dati. Hanggang pangarap na lang siguro. Sabihin mo lang sana kung ayaw mo na. Para naman masabi ko na kahit papaano ay naging masaya ang kabanatang iyon sa walang kwenta kong buhay. Kahit parang saglit lang ay talagang masaya pa rin.
Wala lang, iniisip ko lang, nakapangako na pala ako, na nandito lang ako sa tabi mo kahit hindi na ganoon kalapit. Kaya kapag iniwan ka niya uli, nandito lang ako. Naghihintay. Sana lang ay hindi ka na niya iwan. Alam ko naman na diyan ka masaya eh.

Eraserheads - Minsan

Minsan sa may kalayaan tayo'y nagkatagpuan
May mga sariling gimik at kaya-kanyang hangad sa buhay
Sa ilalim ng iisang bubong
Mga sekretong ibinubulong
Kahit na anong mangyari
kahit na saan ka man patungo

Ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon
Sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
At kung sakaling gipitin ay laging iisipin
Na minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan

Minsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin
Inuman sa magdamag na para bang tayo'y mauubusan
Sa ilalim ng bilog na buwan
Mga tiyan nati'y walang laman
Ngunit kahit na walang pera
Ang bawat gabi'y anong saya

Ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon
Sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
At kung sakaling gipitin ay laging iisipin
Na minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan

Minsan ay hindi ko na alam ang nangyayari
Kahit na anong gawin
Lahat ng bagay ay merong hangganan
Dahil ngayon tayo ay nilimot ng kahapon
Di na mapipilitang buhayin ang ating pinagsamahan
Ngunit kung sakaling mapadaan baka
Ikaw ay aking tawagan
Dahil minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan

~Tayo ay nilimot ng kahapon

# posted by MoshiesBato @ 1:38 PM


Copyright 2003 | www.moshies.tk | Moshies Official Blogsite | Fourth Edition October 2006 |