Nakatanggap ako ng mensahe. Isang "quote" na malamang ay nagdaan na sa kamay ng iba't-ibang tao, isang "quote" na marahil ang orihinal na silbi ay para lamang may maipasa ang may-akda nito. Walang kwenta, kahit gaano pa kalalim ang ibig sabihin. Ngunit ang mensaheng iyon ay galing sa iyo. Kaya pala. Kaya pala kahit na tinatamad na akong magbasa ay napabasa pa rin ako, kahit na tinatamad na akong umintindi, ay naintindihan ko pa rin. Wala, tinatamad na ako sa buhay eh. Masyado nang walang kulay ang buhay ko ngayon. Wala nang saya. Pawang puro itim na lang ang nakikita ko. Parang ayoko na. Parang gusto ko na lang mahiga sa isang tabi at pagmasdan ang langit mula sa aking maliit na bintana. Ayoko na talaga. Tinatamad na ako sa buhay. Bakit ganoon? Sa totoo lang ay hindi ko alam. Ako'y isa lamang na hamak na mang-mang na sa tabi-tabi lang nag-aaral. Hindi ko nga alam kung bakit nag-aaral pa ako eh, wala namang patutunguhan ang lahat ng iyon eh. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Pinilit kitang kalimutan pero sadyang hindi ko kaya. Hindi ko nga ba talaga kaya o ayaw ko lang? Hindi ko kaya sagutin iyan, isa nga akong hangal eh.
Bakit? Bakit ko pa ba binasa iyon? At bakit pa ako sumagot? Bakit? Puro tanong. Ni isa sa mga iyan ay wala akong masagot. Wala na kasing pumapasok na maayos sa utak ko. Mukhang isinara na ito ng puso ko. Isinara na ng puso ko ang lahat. Sa totoo lang ay maswerte pa rin ako sapagkat nakakaramdam pa rin ako ng kaunting saya eh. Ngunit kaunti lang iyon, hindi pa rin iyon sapat. Naghanap ako ng ibang mapaglilibangan, sinubukan ko na ang lahat. Ang magisip-isip sa ilalim ng buwan, ang makipag-usap sa telepono. Ang maghanap ng kausap sa "internet." Lahat ng iyon para lang mapawi ka sa aking puso at isipan, ngunit walang kwenta. Pumalya ang lahat. Kahit isa sa mga iyon ay hindi man lang umabot sa isang kapat ng nararamdaman kong pagkukulang. Wala na siguro akong pag-asa. Gigising na lang ako sa pang-araw araw ng walang nilalaman ang puso at isipan, walang iniisip, walang nararamdaman, at walang pinapangarap. Papasok na lang ako sa mga klase para pasukan lang ito. Hindi ko alam kung bakit pero kailangan eh, kahit na walang silbi ang buhay ko. Kailangan pa rin eh. Hindi ko na hahanapan pa ng sagot. Mapapagod lang siguro ako. Uupo na lang ako sa isang sulok. Pagmamasdan ang puting pader sa aking harapan habang nag-hihintay, naghihintay sa wala. Naghihintay sa pagdating ng makapangyarihang si wala. Siya naman parati hindi ba? Sasama na lang ako sa kanya. Para naman kapag tinanong ako kung kumusta ang buhay ko, pwede ko na lang sabihin na, "wala lang." Wala na rin namang silbi na gumuhit pa ng mga pangarap sa hangin eh. Para saan pa ang mga iyon hindi ba? Eh, alam ko naman, mawawala ka na. Malamang, wala ka na nga eh. Naisip ko lang. Sana pala ay saranggola na lang ako. Buti pa ang saranggola, wala nang iniisip pa. Kaya niyang masabi nang lubos ang wala lang sapagkat ang tungkulin lang naman niya ay sumama sa agos na hatid ng hangin, sumama at lumipad papunta sa alapaap. Sana ganoon na rin lang ako para wala lang. Sumasayaw lang ako kasama ang mga anghel na nasa ulap na walang ibang pinoproblema sa mundo.
May tinawagan ako sa telepono. Isang numerong alam na alam ko. Saulong-saulo nga ito ng aking kamay eh, kahit na hindi ko na tingnan ay hindi na ako nagkakamali. Alam na alam ko na iyon, nakaukit na sa aking damdamin. May narinig akong tinig mula sa kabilang dulo. Ikaw pala iyon. Sa ilang saglit ay nagkakulay ang aking buhay. Ngunit kahit na ganoon, ilang saglit rin lang uli ang nakalipas nang mawala ito. Pinigilan ng aking puso, binura ang mga pintura. Binuhusan ng tubig upang hindi na matuyo pa. Kaya nga siguro hindi ako makasagot. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko napansin pero naligaw ako. Naligaw ako sa daanang noon ay madalas kong tahakin, at sa gabi pa. Walang takot ko noong tinatahak ang daanang iyon, kahit umikot-ikot pa ay alam ko pa rin kung saan ako paroroon. Hindi katulad ngayon. Wala, wala na akong ideya kung saan ako susuot. Ang dating maliwanag na kapatagan ay naging isang masukal na na gubat kung saan maari mong ikamatay, isang pagkakamali lang. Hindi ko na alam ang daan kaya minabuti ko nang huwag magsalita pa. Baka kung ano pa ang mangyari. Minabuti ko nang ibaba ang telepono, pinutol ko na. Gaya ng pagputol na ginawa mo noon, dati. Hindi ko na maalala. Iniwan ko na ang bahaging iyon ng aking buhay. Binaon ko na sa pinakailaliman ng mundo natin, sa lugar kung saan hindi maabot ng kahit sino. Ang iniwan ko na lamang ay ang kahuli-hulihan mong litrato na pinaka-iingatan ko. Nakangiti ka nga doon eh. Masayang-masaya. Marahil ako'y nakangiti rin ng mga panahong iyon. Walang alintana sa mga mangyayari sa hinaharap. Nagpapakasaya lamang ng mga panahong iyon. Nagtuloy-tuloy iyong pagsasaya na iyon. Hawak ko ang kamay mo, hawak mo rin ako. Kahit na naging mabato ang daanan ay tuloy pa rin. Hindi iniintindi ang lubak na nasasalubong sa dinaraanan. Walang pakialam. Ang mahalaga ay kasama kita at kasama mo ako. Masaya na tayo. Kahit nagugutom ako sa araw-araw, ay ayos lang. Alam ko naman na mapapasiya kita makatapos ang lahat ng iyon. Kahit na wala ako basta mayroon ka, ayos na. Ayos na ayos na. Pero nakalipas na ang lahat ng iyon. Ngayon, puro sugat na ang aking tuhod, puro paltos na ang aking paa, puro na rin gasgas ang aking kamay sapagkat mag-isa na lang ako. Mag-isa na lang akong naglalakad sa madilim na kalyeng ito na hindi ko alam kung saan nagmula at saan din patungo. Parati akong nadadapa dahil malubak ngunit ano pa nga ba ang magagawa ko. Wala na akong gana gumawa pa ng karagdagang aksyon. Basta lakad lang ng lakad.
Basa na ang larawan mo na nasa aking kamay. Nabasa dahil sa mga tulo buhat sa aking mata. Hindi ako marunong umiyak pero bakit ganito? Bakit ako lumuluha, lumalabo ang paningin. Nararamdaman ang mga patak ng mainit na likido na dumadaloy sa aking mukha, patungo sa iyong larawan. Itatago ko na uli ito, ayoko nang pagmasdan pa. Baka masira ko lang. Kasama ng pagtagong iyon ay ang mga huling alaalang kasama kita. Baka masira ko pa ang mga mahahalagang alaalang iyon sa aking buhay eh, kung saan natuto ako ng isang bagong bisyo - ang pag-ngiti ng lubos.
Ito na naman, namumuo uli ang mga likido sa aking mata. Ilang sandali pa ay babagsak na ito, papunta sa "keyboard" kung saan ako nagttype. Tama na, ititigil ko na ito, ayoko pang mabasa ito, baka kung ano pang mangyari. Paalam na. Natuwa talaga ako sa bisyong tinuro mo sa akin, ang pag-ngiti - ang pagkaramdam ng totoong kasiyahan.
SPONGECOLA - Jeepney
Bumaba ako sa jeepney
Kung saan taoy'y dating magkatabi
Magkahalik ang pisngi nating dalawa
Nating dalawa
Panyo mo sa aking bulsa
Oh ang kahapon ay naroon pa rin
Tawa nati'y humahalay
Sa init nating dalawa
Subalit nagayo'y wala na
Wala na
Ikaw ay lumayo na
Lumayo na
Naalala ko ang mga gabing nakahiga sa ilalaim ng kalawakan
Naalala ko ang mga gabing magkatabi sa ulan
Kulay ng iyong ngiti
At tikwas ng iyong buhok
Ang lambot ng iyong labi
Ng iyong labi...
Kahit anino mo sa malayo
Ay nais masulyapan kagad
Upang mapawi ang lamig....
Subalit nagayo'y wala na
Wala na
Ikaw ay lumayo na
Lumayo na
Naalala ko ang mga gabing nakahiga sa ilalaim ng kalawakan
Naalala ko ang mga gabing magkatabi sa ulan
Subalit nagayo'y wala na
Wala na
Ikaw ay lumayo na
Lumayo na
Naalala ko ang mga gabing nakahiga sa ilalaim ng kalawakan
Naalala ko ang mga gabing magkatabi sa ulan