mahirap kung nanggaling ka sa kakaibang mundong katulad nito.
pilit mong maaalala ang nakaraan mo sa mundong ito....
kukulungin ka ng kapangyarihan ng alaala....
at kung makatakas ka man, hihilahin ka niyang pilit.
nakatanikala na kayo sa alaala ko....
di na kayo mawawala.
kahit pa ang iba'y dapat ko nang limutin,
at ang karamihan ay di ko na kilala,
at may iba pang malayung-malayo na....
nakatatak na ang mga pangalan niyo sa bawat bahagi ng katawan ko.
kayo ang aking mga sugat na hindi na gagaling....
kayo ang mga latay na pirmi nang mamumula....
kayo ang mga marka ng kasiyahan at kalungkutan na hindi na mawawala....
ang dugo ninyo ang siya nang dumadaloy sa akin....
kayo ako,kahit minsan ay hindi ako kayo....
pag-aari ninyo ako, kahit minsan ay hindi ko kayo pag-aari....
kayo na ang buhay ko....
at nakatatawang isipin na ang nagsilbing mga bahagi ng buhay ko ay dapat ko nang limutin....
dapat nga ba?
hindi.... hindi kailanman.
kapopootan ko lang ang sarili ko kung patuloy akong lilimot.
hayaan nang mamatay sa alaala kaysa mabuhay na patuloy na nasasaktan sa pagbaon ng mga nakaraan.
hayaan ng mabuhay sa alaala kaysa mamatay sa paglimot.
malilimutan ko kung paano kumuha ng limit, kung paano kumuha ng velocity, kung kailan namatay si Rizal, kung ano ang ibig-sabihin ng LASER, kung bakit lahat ng itinatapon paitaas ay bumababa, kung paano mag-graph ng parabola, kung paano magdrawing ng ellipse, kung paano kumuha ng asymptote ng hyperbola, kung ano ang mekanismo ng pagdaloy ng dugo, at kung anu-ano pa....
ngunit kayo ay hindi na mawawala, makasisiguro kayo....
hindi ko malilimutan ang tinig ni Jessica, ang husay ni Jade sa Physics, ang pamumuno ni Carlo sa mga pagdarasal natin tuwing may paligsahang pangkatan, ang pagkaantukin ni Emerson, ang kaweirdohan ni Gail, ang pagiging sexy ni Jamie, ang kakornihan ni Millany, ang kabarberuhan ni Jarry, ang pagiging cute at astig ni Katrina, ang matinis na boses ni Jullie, ang kasutilan ni Julius, ang kalupitan at kabaliwan ni Benjo sa Chem..., ang kagalingan sa computer ni Marlo, ang kagalingan sa English ni Omar, ang dedikasyon ni Paulo, ang pagpapatawa ni Daniel, ang katahimikan ni Janeth, ang kaastigan ni Ginel, ang kakulitan ni Nhalyn (at ang pagmamahal sa kanya ni Aldrin), ang kagalingan ni Aleli sa pag-iisip ng mga steps, ang pagkamayaman ni Json (pati ang kanilang bahay, di malilimutan), ang mga kwento ni Maricris, ang kagalingan sa Biology ni Jeremy, ang pilay sa kamay ni Patricia, ang kagandahan ni Aesha,ang kalupitan ni Miguel sa lahat ng subjects, ang kagalingan ni Abigail sa pagtugtog at pagcompose ng ring tone, ang kagalingan ni Glaiza, ang mga pag-iyak ko kay Michelle (noong retreat), at ang pagiging "Mommy Heart" ni Dianne....
walang makakakuha sa akin ng mga iyan, at tiyak na walang makapagpapalimot sa akin ng mga iyan....
malamig na.... hindi ko na kaya pang pindutin iton keyboard.
mahirap mabuhay sa earth, kc walang init na naggagaling sa inyo....