<$BlogRSDUrl$>


Best viewed using Mozilla Firefox 1.5
1024 x 768 resolution

Shoutbox



Links
Maricris
Gail
Miguel
Kath
Json
Omar
Ginel
Jessica
RC
Paulo
Jamie
Faith
Leo
Jade
Gino
Jullie
Aldrin

Archives





Saturday, June 26, 2004

May 26.. ang tagal na nun.. grabe.. June 26 na ngaun.. 1 month na walang blog.. dapat may gagawin akong narrative sa eng 1 at paper sa physics pero mamaya na lang..

Hay.. inde ko na iisa-isahin ang mga nangyari.. I suppose onti na rin lang ang nagbabasa ng blog ngaun dahil.. haller… busy na ang mga tao sa kanilang studies! (for the meantime lang nmn e.. simula pa kasi! Very eager pang maka-uno! Hehe!)

Huwaw.. ang dami kong gusting sabihin tungkol sa college life.. as in! 3 points na lang muna..

1. Masaya sa dorm
The day starts kapag tumunog na ang mala-fire alarm na alarm clock ni glaiza.. hay! Grabe! Kami lang ang gsising! Inde pa rin gising c glai kahit super lakas ng tunog ng katabi nyang fire alarm! Hehe.. tapos ligo na.. 15 mins lang dahil siguradong may susunod pa sa iyo..Kahit na lagi na lang tinapay at yakisoba ang aming kinakain.. oki nmn..hehe..hmm.. sa hapon nmn cyempre mag-tatake out na lang para makakain.. pero mas masaya pa rin ang may sponsor! Nung first week ay nagpunta c bevs with a mocha roll.. nung sumunod na week ay si momo at nag-order kami ng 3 boxes ng pizza.. this week ay c Patrick.. 3 boxes of pizza again! Hehe.. next week sana ay pumunta nga c ejay with pansit malabon! Hehe.. sa gabi todo aral na ang lahat pagkatapos ng halos inde maputol na kwntuhan tungkol sa mga papa at prof at kung ano mang adventure.. late na rin kami natutulog.. shemay c aleli.. inde na nga natutulog! Hehe.. bsta.. masaya kahit na lagi na lang nagpopost ng bagong bawal.. bawal maginternet ng 8am-12mn, bawal magpapasok ng lalaki.. hmm.. ano pa kaya ang ipagbabawal nila? Nevermind. At no secrets allowed pala d2 sa 1B.. kaya kung pupunta kau.. be ready with the food and the secrets..hehehehehe..

2. Enjoy ang subjects
Hay.. inde naman lahat.. pero may papa sa bawat subj kaya ok na rin pumasok! Hehe.. cyempre ang pinaka na-eenjoy ko ay ang math 17..
Math 17- ok ang prof.. malakas ang appeal (babae po cya).. parang may pagka-terror ang dating ng pananalita nya.. pero.. cyempre.. math to kaya oki lang.. kahit cno pa ang prof.. hmm.. ngaun na lang pala ulit ako nagbasa ng textbook! As in bawat lesson.. nagbabasa pa nga ako in advance! Huwaw.. ganon na ba talga ako ka-inlove sa math? Sana pala maka-40 ako dun sa 10 item long test last thurs!

English 1- ayos! May pinabasa sa amin.. Last Night in Paradise by Katie Roipher.. shemay.. 15 pages un.. at diniscuss nya per paragraph! Inde cya kagaya ni beloved mam labay na talgang story as a whole tapos saka ieexplain ung main points (naaalala nyo pa ba? Truth.. Justice.. God.. with matching Umm!) pero ok naman kasi kikay ung prof.. very lively magturo! Nadidistract nga lang ako dahil kay…

Economics 11- tama ang basa nyo.. kahit tamad ako sa eco ay kinuha ko pa rin.. hehe.. kasi kailangan un sa actuarial science e.. 2nd test ay macroeconomics.. kaya kapag di ako nag-eco.. baka ma-shatter ang dreams ko.. ok namn ang discussion class ko sa eco.. cool si sir paloys.. bsta astig! Pero ang lecture.. shux super boring! Magaling daw na economist c prof. Sicat pero hallerrrrrrr nakaka-antok talga.. kaya ayun.. nag-si-sit-in pa ako sa lecture ni monsod.. hay.. ganon ako ka-desperadong matupad ang aking dreams.. sinasacrifice ko na ngaun ang 1 hour of sleep.. para sa eco..

Physics 10- akala ko puro computations d2.. ung mala mam concepcion.. pero big mistake! Puro concepts cya! At nilinaw pa nung prof na walang computations.. kung meron man, onti lang.. huwaw! My shattered dreams.. pero na-eenjoy ko naman e.. ok na rin.. and2 c pppp.. hahahahahaha..

Philosophy 10- dapat ay philosophy 1 kaso ay na-dissolve ang aking class.. pumasok tuloy ako ng Wednesday para lang makiusap kay prof. Siruno na I-accept ako sa class nya.. hay.. nakakapagod magpa-change mat! (change of matriculation!) next tym nga aayusin ko maigi ung subjects ko.. ok namn itong subj.. enjoy ung show and tell.. d2 namin na-discover ni ginel na nonsense kausap ung isang cutie.. hay..bading pa ata cya.. double hay! Ung prof? Gulo-gulo ung hair.. she needs the parlor and spa badly pero astig nmn cya magturo.. inde ako inaantok dahil lagi kaming nasasabihan na keep quiet (lagging timing ang pagsabi nya kapag nag-uusap kami ni ginel!)

PE 2 Bowling- kailangan ko pang pumunta ng ever.. panira na nga ng sched dahil eto lang ang class ko sa wed.. tapos ang layo pa ng pupuntahan.. hay.. ok naman ang class, si bong coo ung instructor (di ako na-starstruck!) tapos may iba’t ibang coaches.. astig kasi hiwalay ung boys and girls tapos naka-hiwalay rin ung left-handed.. special kasi kami e! haha! Ang dami ko nang natutunan.. bowling na tau!

3. independent na ako in a way.. people get to trust me more..
yuppee!!! Now I get to but what I want.. food, clothes, things.. pero mahirap! Super tinitipid ko nga ung allowance ko.. I want a new cel! Cyempre nmn.. un na ung gift ko sa sarili ko.. maybe next week makakabili na ako.. hmm.. commute to the max na rin.. kahit nung una ay naliligaw-ligaw pa kami at nasisigawan ng mga jeepney drivers dahil inde namn alam kung saan kami bababa.. hehe.. tapos andaming new friends and acquaintances.. daming papable na bading.. dami ring girlaloos.. basta astig sa UP! Andaming adventures.. madami pa inde ko na lang cguro maisip.. pero cyempre.. mas ok kung andyan ung family ko, ang vergon peeps.. at cyempre ang Moshies..

* punta naman kau sa amin..
*text nyo ako..balitaan nyo ako kung ano na ang mga pangyayari sa lyf nyo
*aral kau mabuti ah!
* for the record.. la pa ako bf gaya ng sinasabi nila! inaasar lang nila ako.. huhuhu..
*makikilala ko na ba c mr right?
*kung may maling spelling sori.. its either maling type lang talga or na-cocorrect ng spelling check.. hehe..

I think I should start doing my assignments..

Til next tym!!!!!!

Would you share with me just another cup.. -=rain=-

_M_ =P

# posted by MoshiesBato @ 9:25 PM


Copyright 2003 | www.moshies.tk | Moshies Official Blogsite | Fourth Edition October 2006 |