i really expected na mayroon talagang mas matutuwa pa na mawala ako sa sirkulasyong moseley kaysa sa magpatuloy ako.
ok lang. no hard feelings. kaya nga ako nag-post na naglalaman ng ganoong message ay sa dahilang alam ko na mangyayari ito. ok lang un.
wel, sana lang maging masaya ka. alam mo namang hindi ako ganoong kadaling magalit, d ba? kaya hindi ako gaganti. ano bang magagawa ng galit sa akin? papatayin lang ako ng galit ko. in the first place, hindi ako galit. medyo nagtataka lang ako, kc, sa tinagal-tagal nating pagsasama ay di ka man lang lumapit sa akin upang ayusin ang dapat ayusin o dili kaya'y lapastanganin at murahin ako. dito mo pa napili na murahin ako. ok lang, alam ko namang masaya ka sa ginawa mo eh. at alam kong nandidiri ka sa akin. di mo na kailangang sabihin iyon.
i truly hope na malampasan mo lahat ng challenges sa darating na buhay mo. kahit ayaw mo sa akin, maaari mo pa rin akong gamitin bilang pantulong sa kung anumang bagay na makakatulong ako. pero alam ko na hindi mo iisiping lumapit sa akin. hindi mo na kailangang sabihin iyon.
at wag kang mag-alala. lahat naman tayo ay may pagkakataong mag-disappear permanently. una-unahan lang iyan.
paano ba yan? gud luck at God bless na lang. wag kang mag-alala, d na ako magpapakita sa iyo. pipilitin kong gumawa ng paraan upang d mo na ako makita pa.
at sisiguraduhin kong wala na tayong pag-uusapan pang muli, kung mayroon man.