1.) matagal na kong nde nagpopost so i guess this is something i missed.
2.) isa pang namiss ko -- nde ako nakasama kanina sa birthday bash ni gail...sorry gail. sorry din sa mga fans ko...hehe...HAPPY BIRTHDAY na lamang. wala akong regalo dahil wala akong pera. as had always been the case. what else is new?
3.) grabe ang usapan sa peyups kanina! news about american idol! dandaradan! would you believe it? grabe...ay hindi ko pa pala nasasabi! ang natanggal sa american idol ay si la toya london! uh-huh...i could hear gasps of surprise and maybe relief? marami sa atin ay nagroroot for jasmine mainly because she has Filipino blood. pero sa round na iyun, talaga rawng throaty ang kanyang performance. and by all means, mas magaling sa kanya si la toya! we should at least admit that. pero what can i say? america decided. and i guess that's final. i hate to spoil your long wait to see what really happened pero i'm dying to share with you at least this -- talagang "raw" naokray sya ng mga judges. when simon's turn came to share his criticisms, naiyak si jasmine. very Filipino huh? hehe...don't get me wrong i LOVE jasmine and I LOVE us, Filipinos. pero sabi sa usapan sa peyups, maaaring naawa ang viewers kay jasmine kaya when the night of judgement came, nasa safe side pa siya. Wohoo!!!! YEAH! galing noh? let us thank our hawaiian friends! sila ata ang may gawa niyan! siguro nafeel nila na baka mawala ang kanilang manok kaya't hala sige text to the max! hehe...anway, sana hindi maalis si jasmine! sana hindi siya matulad kay john stevens na naalis right after jennifer hudson was given the cut. grabe talaga. sana maalis si diana de garmo pero sana manalo si fantasia. because simply, she's the better singer. i still think jennifer hudson and la toya could put up a great fight with fantasia. that's an honest observation. pero kung paiiralin ko ang aking feelings, GO JASMINE pa rin! yeah! props for you girl!!!
3.) napanood nyo ba sa news si maj. antonio taguba? oo, siya iyung naglabas ng mga files and evidences ng pagtotorture ng American soldiers sa mga POW ng Iraq. kaapelyido ko siya obviously and how i hope kamag-anak. a share of fame baga...hahaha...kasi ba naman kung kamag-anak ko man siya huwaw ang galing hindi ba? magpapapadala pa ko sa kanya ng chocolates pero mukhang hindi siya kilala ng tatay ko. hayy...ayun nawala tuloy ako sa news ko. may tumawag sa aming taga-media ata. hindi kasi masyadong naintindihan ng dad ko. sabi nga ng dad ko galing daw internet yung tumawag...hmmm...nakakatawa noh pero siguro ang ibig sabihin nung kausap niya may nabasa siya sa internet o basta...ewan ko rin. ayun gusto atang interviewhin ang pamilya namin pero sabi ng dad ko hindi nya kilala si maj. taguba so imposible namang kamag-anak namin. yun lang.
4.) wala akong 2x2 pic. iyung mga pupuntang up bukas, kung meron kayong 2x2 pic ko, bawiin ko na lang muna, plz...kelangan sa enrolment.
5.) sa mga magpapasign kay ma'am herson, 6:30 kita sa masci. iyung tapos na gaya ni mm, kahit punta kayo mga 7 pero mas maganda mas maaga pa rin. kung sasabay ha.
6.) sa shopping galore bukas dahil sale ang rob hindi ako sure kung makakasama ako kasi kababayad lang ng tuition baka wala me pera. tapos tuition fee pa ng ate keith ko next week so we have to tighten our belts...hayy..
7.) namimiss ko kayong lahat pero most especially si jeremy!!! hahaha...sa UST na ba siya talaga?
yun lang. sarap magchokaran noh! haha...sige, nga pala, visit my blog naman. zhineel.blogspot