<$BlogRSDUrl$>


Best viewed using Mozilla Firefox 1.5
1024 x 768 resolution

Shoutbox



Links
Maricris
Gail
Miguel
Kath
Json
Omar
Ginel
Jessica
RC
Paulo
Jamie
Faith
Leo
Jade
Gino
Jullie
Aldrin

Archives





Monday, August 07, 2006

doon sa UP-CBA, sa may waiting shed

(para kay Grace, na nakita ko kahapon pagkatapos niyang kumuha ng UPCAT)

hindi ba't sinabi ko
sa iyo noon
na hihintayin kita
pagkalipas ng sampung
taon?

hawak kita
sa iyong mga balikat
nakatingin lamang sa
iyong mga matang
nangungusap

at alam kong wala ni
isa man sa atin
ang nakakaintindi-

mga bata pa tayo noon

at ngayong nakita kitang
muli, sa hindi inaasahang
sandali, pitong taon na
pala ang mabilis na
lumipas

naaalala mo pa rin
ako (eh ang mga sinabi ko?),
at hawak na naman
kita sa iyong mga balikat
nakatingin sa mga mata
mong nangungusap

at hanggang ngayon
hindi pa rin natin
naiintindihan-

mga bata pa rin tayo ngayon

a cup of cold water mixed with a drop of cold blood

# posted by MoshiesBato @ 5:34 PM


Copyright 2003 | www.moshies.tk | Moshies Official Blogsite | Fourth Edition October 2006 |