[typing nervously while waiting for hum prof's email re: problem with my essay]
hello moshies!!! naging sobrang busy ako nitong mga nakarang araw (o buwan?) dahil sa napaka-toxic na sem na to. feeling ko nga super laki na ng eyebags ko.. huhuhu.. kasi naman puro puyat. kaya tuloy sabi nila namamayat na naman daw ako... huwat?! ano pang ipapayat ko?!?!
pero kahit ganun, very happy naman ako kasi ok sa akin ginagawa ko. kahit ayaw ko ng nursing, gusto kong tumulong sa ibang tao. magaan talaga sa pakiramdam kapag alam mong you've done something na nakakapagpabuti sa condition ng ibang tao--kilala mo man o hindi. saka marami akong natututunan sa kanila. hindi ako mayaman pero hindi rin naman ako kasing dukha ng karamihan sa mga pasyente ko. sa totoo lang, di na umaabot sa akin yung pakiramdam na naaawa ako eh... kasi nauunahan agad yun ng pagiisip kung ano ang dapat kong gawin para makatulong. dati, hanggang awa lang ako. ngayon, medyo may kakayahan na akong ma-alleviate ang mga problema nila--hindi lang physiologically kundi pati na rin emotionally.
wakakak tama na nga ang inspirational talks. gusto ko lang naman magparamdam after ko mawala for "some" time heheh.
[darn mali lang pala pag-label ko ng essay file ko... pinapasend pa niya ulit... waaahhh... para yung lang... waah...]