Best
viewed using Mozilla Firefox 1.5
1024 x 768 resolution
Shoutbox
Links
Maricris
Gail
Miguel
Kath
Json
Omar
Ginel
Jessica
RC
Paulo
Jamie
Faith
Leo
Jade
Gino
Jullie
Aldrin
Archives
|
Wednesday, October 12, 2005
huwag mag-alala
huwag kang mag-alala ok lang ako hindi lang ako makatulog sa gabi kakaisip sa iyo
huwag kang mag-alala ok lang ako kita mo nang hindi ko nagamit ang test permit ko
exempted naman kasi aral lang nang aral
huwag kang mag-alala ok lang ako kabubura ko nga lang ng mga mensahe mo
huwag kang mag-alala ok lang ako kita mo nang tinatawagan pa kita, ma-edit lang iyong papel mo
exempted naman kasi aral lang nang aral
huwag kang mag-alala ok lang ako nagkukulong lang naman ako sumusulat habang basa ang papel ng mga luha, hindi ko alam kung saan galing
huwag kang mag-alala ok lang ako kita mo nang kinakausap pa kita, kahit na ayaw mo...
exempted naman kasi aral lang nang aral
hindi ba sabi mo doon lang ako magaling? kaya heto, ginalingan ko hindi ba sabi mo mag-aral na lang ako kaya heto, exempted ako
no te gusta ang sabi mo mali, no te quiero pala ngunit pareho lang ang ibig sabihin, ayaw mo sa akin...
huwag kang mag-alala ok lang ako bigla lang akong tumahimik nang sinabi mo iyon
huwag kang mag-alala ok lang ako kita mo nang malapit na tayong magkalayo, makalalaya na rin ako...
a cup of cold water mixed with a drop of cold blood# posted by MoshiesBato @ 10:10 AM
|