Hi friend. Kumusta na ang buhay-buhay? Kaytagal na kitang hindi nakita o nakausap man lang. Sana naman maayos pa rin ang lagay mo na malayong-malayo nung iniwan kita. Naaalala ko pa noon, noong kasa-kasama mo pa ako. Madalas kong masira ang araw mo sa tuwing nagiging pasaway ako, sa tuwing may sinasabi ako na hindi dapat, sa tuwing kinukulit kita, sa tuwing naiistorbo kita sa panahong may ginagawa kang mahalaga at sa tuwing pinupuyat kita sa mga gabing gusto mo na matulog. Marahil hindi mo na nararanasan ang mga iyon. Mabuti naman. Kasi alam ko ay hindi talaga maganda ang mga bagay na iyon. Buti na lang siguro at nawala na ako sa buhay mo at kung hindi ay marahil mas lumala pa ang mga iyon. Ngayon ko lang naisip, naging masama pala ang pakikitungo ko sa iyo noon, naisip ko na naging makasarili pala talaga ako noong mga panahong kasa-kasama kita. Kahit na siguro na sabihin nila na ang laki ng hirap ko noon sa pagdayo sa lugar niyo, wala pa rin ang mga iyon dahil madalas sarili pa rin ang binibigyan ko ng kahalagahan dahil parati naman akong huli sa mga usapan natin. Parati kitang pinag-hihintay dahil ayaw ko maghintay. Kaya nga naman siguro parati akong huli. Masama ang ugali na iyon. Naaalala ko minsan, kahit napakalapit ko lang doon sa lugar na ating pinagusapan ay mahigit kalahating oras pa rin kitang pinaghintay. Masyado ka talagang mabait dahil hindi ka nagalit sa akin noon o nagtampo man lang. Ako pa nga yung nagkaroon ng lakas na magalit eh. Marahil nga dahil sa ugali kong ito kaya hindi naging masakit para sa iyo nang piliin mong layuan na ako nang tuluyan at sumama na ulit sa kanya. Marahil ang tuwang-tuwa ka noong napansin mo na hindi na tumutunog na iyong telepono na dahil sa akin. Marahil nga. Kasi ba naman, sino ba naman ang taong nasa tamang pag-iisip na kung tumawag ay mga alas onse na ng gabi di ba. Sino nga ba naman ang tao maliban sa akin ang nangangakong tumawag pero hindi naman tinutuloy. Ako lang iyon di ba? At kung hindi lang naman ako, ako iyong malala. Ngayon, pati na ata ako naiinis sa aking sarili ah. Ngayon ko pa lang nakikita ang mga ugali kong ito. Hindi pala maganda. Kaya naman siguro, masaya ka noong nagbalik siya. Nagbalik siya para kunin ka sa akin.
Sino nga ba siya? Iyon ang tanong ko noong una. Ang pagkakaalam ko ay nilagyan mo na ng isang malaki at maitim na tuldok ang bahaging iyon ng iyong buhay, iyong kasama mo pa siya. Naaalala ko pa noon, ako'y kasama lamang sa mga manonood sa inyo, masaya rin tulad ng iba para sa inyo. Mayroon pa kasi akong ibang inaatupag noon na parang napakahalaga noon pero sa ngayon ay mukhang hindi na masyado. Naaalala ko pa, binabati ko pa siya na, "galingan mo ha. Suportahan taka." Lahat noon ay pawang masaya, lahat ay abala sa kaniya-kaniyang mga ginagawa. Ewan ko ba. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagkahiwalay kayo. At noong panahong iyon, ako naman ang napalapit sa iyo. Doon nagsimula ang lahat sa ating dalawa. Sana pala ay hindi na nangyari iyon pero masayang-masaya talaga ako. Marahil ay iyon nga ang pinakamasayang bahagi nang buhay ko eh. Sayang nga lang dahil nangyari iyon kung kelan maghihiwahiwalay na tayong lahat. Ngayon, makalipas ang mahigit sa isang taon ay kinukuha ka na uli niya sa akin. Ay, mali pala. Kinuha ka na uli niya sa akin. Ayos lang sana ang bagay na iyon eh yoon nga lang ay nabigla ako. Nagising na lang ako isang araw na wala na ikaw sa piling ko. Wala nang nagbabalik sa aking mga bati sa gabi. At sa umaga ay wala na rin. Napunta na lang sa wala ang paghihintay ko sa iyo. Napunta na sa wala. Sino nga ba siya? At gaano nga ba siya naging mahalaga sa iyo? Iyon pala dapat ang mga inisip ko noong pinayagan kong mapalapit ang sarili ko sa iyo. Sana pala ay napaghandaan ko na ito noon pa nang hindi na ako masaktan. Sayang, huli na ang lahat. Ngayon ay higit pa ang sakit na nararamdaman ng puso ko kaysa kung matusok ito ng pinakamatulis na punyal sa buong mundo. Masakit, masakit talaga. At matapos ang sakit ay pagkalungkot, pagkalamig naman sa pag-iisa. Sa ngayon, alam ko na ang mga sagot sa tanong na iyan, tumatak na isip ko.
Ano, kumusta na ba? Marahil ay hindi mo na ako naaalala sapagkat napunan na niya ang lahat ng butas na iniwan ko. Marahil ay sobra-sobra pa nga eh. Alam ko naman iyon eh, kung gaano ka kasaya noon sa piling niya. Kasa-kasama kumain ng tanghalian, napakasaya niyo talaga. Marahil sa mga oras na ito ay naririyan ang mensahe niya sa iyong "cellphone". Isang mensahe na naglalaman ng matatamis na mensahe na hinihintay ka na basahin siya. Sige na basahin mo na iyan. Alam ko, mas mahalaga pa iyang simpleng mensahe na iyan para sa iyo sa ngayon kaysa sa taong nakatayo ngayon sa harap mo na kung anu-ano ang sinasabi. Pulos naman mga walang kwenta, mga basura lang. Sige na, naparito lang naman ako para kamustahin ka eh, para alamin lang ang mga bagay-bagay sa buhay mo. Ngayon, alam ko na ang sagot doon sa mga gusto ko alamin. Siya iyon. Paumanhin kung nakaistorbo pa ako sa iyo ha. Pangako, hindi na ito mangyayari. Huli na talaga ito. Huling-huli na. Sige na.....
Hi uli friend. May nakalimutan pa pala akong sabihin sa iyo. Nakalimutan kong sabihin ito...."Goodbye friend." Hangang sa susunod na lang kung makikita pa kita. Pero marahil sa susunod, ang ibabati ko na sa iyo ay, "Miss, pwede bang malaman kung sino ka?"
Paalam uli...."Goodbye, stranger. Sana maging masaya ka, kung sino ka man."
Sugarfree -Burnout
O, wag kang tumingin ng ganyan sa akin
'Wag mo akong kulitin, 'wag mo akong tanungin
Dahil katulad mo, ako rin ay nagbago
'Di na tayo tulad ng dati, kay bilis ng sandali
O, kay tagal din kitang minahal
Kung iisipin mo, 'di naman dati ganito
Teka muna, teka lang, kelan tayo nailang?
Kung iisipin mo, 'di naman dati ganito
Kay bilis kasi ng buhay, pati tayo natangay
O, kay tagal din kitang minahal
Tinatawag kita, sinusuyo kita
'Di mo man marinig, 'di mo man madama