sa dinami dami ng pinagsamahan natin.. sa bahay, sa masci, sa salas, sa bahay ko, sa mcdo, sa kfc, sa bk, sa rp (di na rob...), at sa every imaginable food establishment in and around masci.. di ko kayo miss.
sa lahat ng practice na maiisipan nating ipagpractice. sabayan. carolfest. speech choir. cheering (siyet na malagkit!). plays. at lahat na lang ng mapagsasayangan ng energy, time at siyempre allowance natin. di ko pa rin kayo miss.
sa lahat ng kagaguhan nating pinaggagagawa. mga kakleptohan. mga pangtrtrip sa teachers. sa pageskapo ng class, kunwari excused. sa panguuto na malibre ng isa sa mga classmate natin (parang feeling ko isa ako dun, pano ba naman, naubos na pera ko high school pa lang.. jk!). sa paglalaro ng lahat na ng malalaro. sa mga pangaasar sa mga love teams (sa dami e hindi ko na kayang matandaan lahat. at least mabait tayo. lahat nagkaroon ng kalove team at one point or another). di ko pa rin kayo miss.
sa lahat ng emotions na mailalabas ng tao in a lifetime, nailabas na natin sa high school pa lang. tawanan. iyakan. kiligan. in-laban. asaran. galitan. isnaban. patayan. sapakan. patayan uli. kakornihan. basta lahat2. di ko pa rin kayo miss.
alam niyo ba kung bakit di ko kayo miss?
kasi miss na miss na miss na miss na miss ko na kayo. (i would have typed it a million times, pero may hw pa ako sa accounting na medyo mahaba-haba rin. and it's for tomorrow, 12 na at la pa akong nasisimulan. alam niyo naman. proud member pa rin ako ng MCS. CRAMMER FOR LIFE! CONTINUE THE LEGACY OF THE WORLD-RENOWNED CRAMMERS!!) ala lang.
condolence to all those who lost a loved one. seems like i did also. i lost the company of my second family. :( so condolence din sa akin.
j
previously baby j, now a papa j. should be LOLO J. so sad...