<$BlogRSDUrl$>


Best viewed using Mozilla Firefox 1.5
1024 x 768 resolution

Shoutbox



Links
Maricris
Gail
Miguel
Kath
Json
Omar
Ginel
Jessica
RC
Paulo
Jamie
Faith
Leo
Jade
Gino
Jullie
Aldrin

Archives





Friday, February 13, 2004

biyernes ng gabi. bisperas ng araw ng mga puso.

sa mga sandaling ito, ilang libong magkakatipan at mag-aasawa ang nasa roxas boulevard, sa may tabing dagat, upang sama - samang wasakin ang bilang ng pinakamaraming bilang ng naghahalikan.

napapaisip tuloy ako. hay pag-ibig.

parang kamakailan lamang kasi eh mayroon akong masasabing taong 'akin'. 'yun bang masasabi mong 'kapuso'. yung kahati mo sa problema, sa sarap, sa sakit, sa kahit ano pa man. kahit sandali, naramdaman ko ulit na buhay ako dahil ako'y umibig. ang tagal kasi bago dumating ulit iyang bagay na iyan sa akin. ang dami kasing pagkakataong inakalang kong andyan, ngunit wala naman pala. nadala ka lang, kumbaga.

teka bakit ba ako ganito? hindi ba masaya ako?

oo naman. pero sa loob loob ko, alam ko sa sarili kong may hinahanap ako. kung sino siya at kailan, hindi ko alam kung kailan ko makikita. pansamantala, dito muna ako sa isang sulok, magmumuni-muni. at maghihintay kay "bb. tama" [ms. right, kung nagtataka ka].

sa ngayon, "single" muna ako sa friendster.

siyangapala, may blog din ako. heto...ay huwag na. kakahiya. saka na lang siguro pag marangal na ang laman at hitsura. wala pa kasi akong sipag magupdate.

* * *
out-of-topic: kath, this blog's a great idea for our random musings. thanks a bunch. and oh, those who want mr. capulong's email: rizaldycapulong@softhome.net, rizaldycapulong@mydestiny.net

isa pang hirit: sana manatili tayong ganito ka-close, kahit lumipas ang panahon. nakakatuwang pakinggan ang mga kwento ng bonding nina mr. templo, mr. escobar, mr. capulong etc... kasi kahit malayo na narating nila sa buhay, hindi sila nagkakalimutan. laging andun yung koneksyon. yung pagkakaibigan. yung samahan.

hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng kaklase sa loob ng 3 taon sa hayskul. isipin niyo. 3 years. yes, 3 years na sa araw-araw na ginawa ng Diyos eh iisang tropa ang kinagisnan mo.

gusto ko nang magtapos. pero kapag nagbabalik-tanaw ako, grabe, parang...parang hindi ko maisip na ang lapit na ng april 1. lubusin/sagarin/itodo na natin lahat. outing na rin tayo sa summer and go out with a bang!

sigurado sa college, anuman ang kulay [maroon,green,blue,yellow o anupaman] , ang moseley [moshie] haharuhot yan. panigurado. we can do it.

marami pa akong sasabihin...anong oras na ba? 11:57 pm. teka...****** ***! the testament pa pala! @&$#@$#*$($^#$%(!!


paulo

# posted by MoshiesBato @ 11:01 PM


Copyright 2003 | www.moshies.tk | Moshies Official Blogsite | Fourth Edition October 2006 |